Pavent out lang po... para na kong sasabog sa sama ng loob. I am 6 months going 7 months pregnant. I am working home based as a data entry specialist. I have another son graduating na sa grade 6. Their father jobless and irresponsible. Kahitlagi ko sinasabi na magwork na sya kasi malapit na ko manganak and wala pa gamit si baby and wala pang ipon. Kinukulang un sweldo ko sa dami ng gastos sa bahay and sa school ng panganay namin. Kasi ako lahat nag iintindi.
I woke up kagabi kasi dumating sya and pumasok sa kwarto. di ako dumilat or bumangon. I pretended to be asleep. May nadinig akong binuksan na zipper pero di ko masyado pinansin. Nadinig kong umalis ulit sya. That's when I checked my wallet kasi kinutuban ako. Ayun nga wala ng laman wallet ko kundi coins. Kinuha nya lahat pambayad sa graduation na tinatabi ko and allowance sa school hanggang next sweldo. Tinatawagan ko pero di sumasagot. Dumating sya ng mga 3 am pero di na pumasok sa room and natulog sa kabilang room. The next morning, ginising ko sya para tanungin kung nasan un pera. talaga g umiiyak ako and gigil na gigil. Ayaw makipag usap. Kaya pinagsasasampal ko para lang kausapin ako. Binabalewala ako hanggang sinabi na sinugal nya. Magkano lang naman daw un.Sabi ko panggastos sa school un. Wala daw syang paki. Umuwi na lang daw kami samin. Pumasom ako sa kwarto namin ng umiiyak. Nagising na un anak ko kasi papasok sa school. Tinanong nya kung bakit. Nung sinabi ko chineck nya wallet ko walang laman. Niyakap nya na lang ako. Alam mo un feeling na gusto mong sumuko na lang kasi pagod ka na pero dimo magawa kasi kailangan mo magkng matatag at matapang para sa mga anak mo. Lagi ko lang naiisip na kawawa naman sya kapag nawala ako. Wala na magaalaga sa kanya kasi wala naman maasahan sa Papa nya. Pero di koalam kung hanggang kelan ko pa kaya. Minsan nagiging selfish ako kapag naiisip ko na sana kung mawawala ako kasama ko na lang mga anak ko. Pero kawawa naman sila kasi wala naman silang kasalanan para madamay at magsakripisyo. Kaya kapag ganito kinakausap ko na lang si Lord na tulungan nya kami mag iina. Nakakapagod pero kailangan lumaban para sa mga anak.
Anonymous