Folliculitis?

Pasintabi po sa picture. Hi po mga moms. Question lang. May nakaranas na po ba ng ganito sa inyo? Nagstart lang po ito sa isang small red bump just like sa pimples. Sinabihan po ako ng OB ko na "pimples" nga siya and mag apply lang ako ng betadine and putukin ko. Pero hindi ko po pinutok, nag wait ako na pumutok po siya ng kusa. Kung kailan po na nagheheal na siya saka naman nagsilabas yung iba. Hanggang sa dumami na po and nagsiputukan na rin po sila kaya mahapdi po tlga kapag nagpee ako. Wala po amoy ang discharge ko and color white lang po talaga siya. I'm currently 19 weeks pregnant and nag start po yung pimple last month po nung kasagsagan ng init. Balik ko po sa OB ko sa June 5. Maraming salamat po.

Folliculitis?
13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Parang bartholin's cyst po sya. Sa medyo inner labia (labi) ng pwerta mo yan momshie? Malapit sa birth canal? Pacheck mo na lang ulet sa ob mo, pag lumaki kasi sya saka masakit na, usually inooperahan yan, incision (marsupialization) ng mismong site para lumabas lahat ng nana.. Reminder na lang po sa hygiene nating mga babae.

Magbasa pa
6y ago

Magpapacheck po ako bukas. Pumutok po yan. Nag open tapos nag heal. Tapos po may mga lumabas na naman po na "pimple" like then pumutok po ulit pero hindi naman po lumalaki. Feeling ko po irritated na naman po siya sa init. Usually 2x or 3x pa po ako magpalit ng undies everyday. Hugas po ako every wiwi. Kaya hindi ko rin po maintindihan bakit po nagka pimples ako diyan. Salamat po. 😊