in laws

Pashare lang po..9 months preggy ako ngayon. Ni minsan hindi man lang ako kinamusta ng in laws ko. Nakabukod na kami ng husband ko. Pag magvi video call sila, ilocano kahit andun ako, e alam naman nila na hindi ko naiintindihan. Kapampangan kasi ako. Sila marunong naman mag kapampangan. Nung last time sabi ng husband ko magkapampangan or tagalog para maintindihan ko pero wala padin. Nakakasama lang ng loob. Hindi kami close pero ano ba naman yung magsalita sila sa dialect na alam ko diba? Ano masasabi nyo mga momsh?

43 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Wag mo na istressin sarili mo mamsh. Alam natin mas maganda kung okay kayo pero hindi naman sila makakasama mo sa isang bubong kaya hayaan mo na muna. Bawal mastress ang buntis

Pag aralan mo ng palihim sis para makarelate ka magulat na lang din sila nakakaintindi ka na. Kahit bits and pieces lang kesa kinakawawa ka na pala hindi mo alam. 😅

VIP Member

Atleast sis nakabukod kayo. Yung iba stress kasi kasama Nila sa bahay, Para Kang nakatungtong sa numero hahah bawat galaw mo monitor ng cctv camera.

Kabalen..bat ali ako biyasa masyado magkapampangan...sa pasay na ako kasi lumaki..pero nakakaintindi ako.., Wag ka masyado mastress mommy kawawa su baby mo.

wag ka pastress sa mga ganyang bagay. ang importante kayo ng asawa mo at ung binubuo nyong pamilya. dont expect para walang disappointments

Wag mo na lang istress sarili mo Mumsh, ang importante nakabukod kayo. Baka hindi lang po sila ganun ka-friendly. 😊 or nahihiya sila sayo.

Dika nag iisa my. Ganyan na ganyan sakin. Heads up. Di makakabute sayo yan . Wag ka pa stress. Basta importante kayo ng asawa mo.

VIP Member

Eh di ikaw ang lumapit at maki-close. Gang mabwisit sila.. Enjoy kayang bwisitin ang mga taong may ayaw sayo. Hehehehe. ✌🤣

Hayaan Mo na Mommy.. Dont Mind Them As Long as Naka Bukod na Kau ni Hubby.. Mas Mahirao kung mag kasama kau sa iisang bubong..

I feel u pro wg k mgpkstress dhil png s d k knkmusta as long as ksama mo asawa mo no need to worry..