9 WEEKS PREGNANT (first time)

Pasensya na sa itatanong ko pero wala po talaga akong alam paanong gagawin dahil first time ko lang din po mabuntis. OFW here and pauwi na po ako Pinas. Saan po ba ako magpapaprenatal check up? Iniisip ko po sa lying in manganak, tanong ko lang po if usually po ba may ultrasound na sa mga lying in? Or magrerequest lang sila to have ultrasound sa ibang place? And gusto ko po sana kasama husband ko sa ultrasound para makita niya din po ung baby namin. Pede po ba sa lying in un? Or pede po ba magpaprenatal sa OB clinic tapos sa lying in manganganak? Pumapayag po ba sila ng ganun? Salamat po sa sasagot.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dito po sa amin, walang ultrasound machine ang mga lying-in clinics, hindi rin lahat ng private ob ay meron. Kaya usually, ultrasound sa hospital or diagnostic centers, then balik sa ob/ clinic for interpretation. So hanap na lng po siguro kayo sa area nyo ng private ob na may ultrasound. Also, usually po ay hindi tinatanggap sa lying-in ang mga first-time moms. Although may nabasa rin ako dito na pwede naman daw as long as ob doctor ang magpapaanak at hindi midwife. So check nyo na lng din po sa lying-in clinic nyo kung pwede kayo.

Magbasa pa
5mo ago

Salamat po sa pagsagot sis. Sige po maghahanap nalang po ako ng private OB na may ultrasound. Actually ang gusto ko po sana water birth, may tinitignan na po ako lying in na may ganun po, pero depende parin sa sitwasyon ko if baka high risk ako. Salamat po ng marami sa pagsagot 🙏

may mga OB sis na may birthing homes kagaya ng OB ko. bibigyan ka nila ng option if sa ospital ka manganganak or sa clinic nila mismo. as a first time mom, mas recommend ko na sa hospital ka manganak.

5mo ago

Salamat po sa pagsagot sis. May mga nababasa po kasi ako na hindi tinatanggap kapag di daw sa kanila nagpaprenatal check up? Kaya napatanong ako, actually may certain lying in akong tinitignan na po because i want to do water birth po sana, pero i know nakadepende sa magiging sitwasyon ko if hindi ako high risk. Salamat po ng marami sa pagsagot sis 🙏

hi. may ibang lying in na complete na pero bihira lang, usually ibang lying in walang utz bibigyan kalang nila ng request for utz tapos ikaw na bahala kung saan ka papa utz po.

5mo ago

Salamat po sa pagsagot sis, sige po hahanap nalang po ako ng OB na may utz na. Salamat po ulit.