Hospital or Lying in?

Hello. First time mom here, san po ba maganda unang manganak sa lying in or sa ospital?

39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mas better po ang hospital lalo na first baby mo.. like my experience ung first baby ko namatay sa lying in ako nagpapacheck up at nanganak.. mahirap nun matanda na ung nagchecheck up sakn at stethoscope lang gamit nya kung icheck nya ang heartbeat ng baby ko sa tyan... d rin ako naultz kaya wala ako alam kundi timbang at etc. iba parin ung completo ang mga kagamitan at laboratories na nirerequest.. partida may kaya naman magulang ko di lang ako nasuportahan masama kasi loob nila nabuntis ako, ung nakabuntis sakn wala pang kakayahan as in walang work kaya asa pa sa magulang im 20 yrs old at college student pa sayang 16 yrs old na sana ang panganay ko ngaun.. kaya sis sa hospital ka nalang...

Magbasa pa

Preggy din ako now sis. preffered talaga namin mag asawa na sa Hospital manganak kasi di natin alam ang panahon. mas mabuti na din talag na sa hospital kasi if malaki ang baby at d kaya ma normal atleast di kana ibabyahe from lying in to hospital para ma CS.. Mabilis kayu maaasikaso ni baby. tulad nang sister in law ko. nag fully dilate na sya pero hirap malabas si baby buti nalang sa hosputal sya ayun na CS agad. atleast safe silang dalawa. Though medyo malaki gasto kumpara sa Lying in pero okay lang ang impt. safe naman tsaka ang pera kikitain nman yan. . God bless po sa lahat

Magbasa pa
2y ago

much better sa hospital nalang lalo of first time mom para incase of emergency wala ng hassel saken kasi nun sa 1st baby ko nagdecide ako na sa clinic ako ng ob ko manganak lying in so nung diko na kinaya ang labor ko nagpatakbo na ako dun pero pinauwi ako dahil hindi pa open ang cervix ko then ending ko emergency cs ako tapos si baby nakakaen pa ng pupu niya and naka inom siya ng tubig sa panubigan ko kaya pati siya naconfine din. kaya ngayon sunod na panganganak ko hospital na ulit para wala ng hassel pa ulit na mangyayari.

Hi. Ka-mommies, due date ko na din this coming June.. di din ako makapag decide kung sa Hospital or Lying in ako. sa Lying in ang completed check up and ultrasound ko, ka close ko na din OB ko na magpapaanak sakin if ever matuloy ako sa lying in. 1st baby din. Di lang maalis sa isip ko na mas maganda talaga sa Hospital kasi completed facilities and mas madaming mag aassist pero pang public hospital lang ang gusto ko ..

Magbasa pa

mas ok Po for me Ang hospital base sa experience ko kc sa panahon Ngayon Hindi natin alam mangyyri...atleast pag NASA hospital ka madami aasikaso..katulad nalang Ng kawork ko sa lying in siya eh Malaki ung bata pinilit nila I normal Hindi man lang nirecommend Ng lying in na ipunta na sa hospital ayun namatay ung baby pero cguro pag hospital un na NICU pa or na C's na..kaya better hospital mahirap magsisi sa huli

Magbasa pa

gzto ko dn sa ospital due ko bukas na. no signs of labor pero i am very hoping smooth delivery kase nag exercise na ako. ginagawa ko naman dapat gawin exercise squat uneven walking sa gutter rpimrose pineapple. pero no signs. braxton siguro lng. sa ospital kase dito bawal bisita at isa lng bantay. malayo ako sa pamilya ko. pamilya lng ng asawa ko. kakahiya naman kase. hay

Magbasa pa

Kahit saan po safe. Yung lying in may partneship po sa ospital yan, if may emergency na mangyare, mahirapan ka manganak or need mo i emergency cs sila mismo magdadala sayo sa ospital na ka partner ng lying in nila and kung ano po ang gamit sa ospital ganun din sa lying in, and marami din pong mag aassist sayo sa lying in parang ospital lang din.

Magbasa pa
2y ago

ok nmn po both cguro. may lying ins n puro OB gyne and mdming nurse. complete din ang equipments.

pag first baby much better ospital, pero ako ayaw ko ospital lalo na pag public naranasan sa first baby ko public ang hirap lalo na pag amdami kasabay, 2nd baby ko lying in ako pero ng hanap ako nag lying in na ndi medwife mag papaanak yung ob talaga papaanak.

VIP Member

Sa panahon po ngayon,mas maganda kung sa hospital talaga. Kapag sa lying in kasi at nagkaroon bigla ng emergency sa panganganak mo,itransfer ka din nila sa hospital. Ang mga hospital ngayon hindi basta tumatanggap ng manganganak kung walang record sa kanila.

1st time mom din po ako at sa lying in ako nanganak, okay at safe naman kami ng baby ko. Kahit saan mo prefer manganak momsh, lakasan mo lng po loob mo at mahalaga na ready ka physically at mentally. Always pray lng po at kausapin mo si baby mo palagi.

VIP Member

as long as normal ang pagbubuntis mo, okay naman sa lying in, irerecommend naman ng ob or midwife if need mo sa hospital manganak. ako based on experience, sa first baby ko sa lying in ako nanganak, wala naman naging problema.