Place kung saan manganganak.

Totoo Po ba na kapag first baby bawal manganak s acenter or lying in clinic ?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pwde naman po manganak sa lying in depende po sa OB kung kaya mo po ilabas si baby walang complications ..ako nga po nanganak 1st month ng pandemic sa lying in ako nanganak nung 1st baby ko ..basta po carry niyo ipush si baby ..laking bagay din kapag nanganak sa lying in 24hrs lang pwde na lumabas sa hospital 1week pa or lagpas pa bago makalabas

Magbasa pa
1y ago

ang sinasabi sis sa first baby, pag lying in ka nanganak di naman sinabi na di nagagamit philhealth sa lying in, mag basa po kayo maigi ng comment para maintindihan nyo bago po kayo mab comment.

may lying in ang byenan ko pinag babawal na sa lying ang first baby, meron tatanggap na lying in na first baby pero di ipapagamit ang philhealth ninyo, much better alamin nyo muna kasi pinag bawal na ng DOH ang mag paanak ng first baby sa mga lying in, if in case na tanggapin man kayo di mo magagamit ang philhealth mo.

Magbasa pa

sa first lying na napuntahan ko hindi sila natanggap ng first baby.. pero may nahanap kami na isa pang lying in na natanggap kahit panganay papagamit din philhealth, pero may back up padin ako na hospital in case magka complication during delivery kaya during trimester dalawa pinag papacheck-up-an ko

Magbasa pa

Yes mi, naka set na sa clinic ako ni OB manganganak tapos biglang sabi niya bawal na daw pala sila tumanggap pag first baby at yung mga nasa 37+ yrs old nag buntis lalo na yung mga high risk preggy dapat daw sa hospital na for safety na din. Kaya no choice kami humanap kami hospital ngayon.

advice po nila pagka first baby sa hospital daw po, kasi mas complete yong mga facilities at doctors nila, just in case po. Depende pa rin po sa lying kung tatanggapin ka nila kahit first baby mo po.

Kabuwanan ko po ngayon and sa lying in po ako mnganganak. Doctor po ang magpapa anak sakin at may mga kasama naman na midwife. Normal po kasi lahat ng check-up, ultrasound and laboratories ko po.

ang advice po sakin ng ob ko sa lying in na sa ospital po ako manganak dahil bawal na daw po tumanggap ng first baby sa lying in kung pang 2nd baby ko daw po pwede na sa lying in.

depende po siguro sa lying in, ako po kasi first baby ko and sa lying in kopo balak umanak and tinanggap naman po ako no complications din naman daw po ako

nanganak po ako sa lying in nung 23 first baby din, dapat OB magpapaanak sakin kaso nasa ibang hospital that time kaya midwife na lang nagpaanak sakin.

Hindi naman bawal. Prefer lang po nila since first baby and if needed ng extra care ni mommy at baby dahil complete needs naman sa hospital