:(
Pasensya na po pero gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Ilang gabi na kong stressed na stressed sa LIP ko. Ilang gabi na kong natutulog ng naiyak sa sama ang loob. Madaming beses na nagigising na lang ako sa madaling araw na napapaisip na lang, napapaiyak. Simula nung nalaman namjn na buntis ako, sa kanila na ko nagstay. That was mid week ng June. Walang problema sa pamilya niya, napakabait, napakasupportive sa pagbubuntis ko. Nung una wala kaming problema, pero habang tumatagal, palagi na lang ang bilis niya magalit kahit napakasimpleng bagay. Nung isang gabi, niloloko ko lang sya habang naglalaro sya ng Mobile Legends. Brawl lang naman yun so no big deal at walang star na mawawala. So yun nga, nilalambing lambing ko sya, sinusundot ko tenga niya, etc. Bigla na lang binaba ang cellphone at nagalit. At magdamag na hindi ako pinansin. Tama ba naman yung attitude na yun? Dahil lang sa laro? Ni hindi man lang kinakausap ang baby namin sa tyan ko. 6 months preggy ako. Mas mahalaga pa ba yung laro na yun kesa samin? Tapos last week, sa sobrang stressed ko nakaramdam ako ng sobrang paninikip ng dibdib at hirap ako huminga. Iyak ako ng iyak sa kwarto. Hindi niya tinatanong kung napapano ako kasi magkagalit din kami nun. Nalaman na lang niya kasi sinabi ko sa mga kapatid ko. Ang ending, pinuntahan nila ko, dun pa lang niya nalaman. May history kasi ako ng sakit sa puso. Irregular ang heartbeat. Tapos ngayon, madaling araw na, iyak pa din ako ng iyak. Nag away na naman kami. Pero sya ayun, nakikipag inuman kasama ng mga kabarkada. Hindi ko na alam ang gagawin mga sis. Sobra sobra na ko stressed sa kaniya. Hindi ko alam kung gusto ko pa magpakasal sa kaniya. Nakasched kasi ang kasal namin ng Oct 9. Hindi ko na nararamdaman na mahal niya ko. Mas lamang lagi ang galit niya kesa pagmamahal. Pag umiiyak ako gawa niya, sasabihin niya pa na napakaarte ko. Nahihiya lang ako sa magulang niya at magulang ko pero kagabi ko pa gustong gustong umuwi na lang sa bahay namin.