Sorry Anak Dahil Malayo Ako Sayo

Pasensiya na anak at malaya ako sayo. Gustuhin ko man makasama ka di muna pwede sa ngayon. Pasensiya na din at lumalaki kang wala ama na gagabay sayo gustohin ko man maging isang buong pamilya tayo hindi maari dahil mas gusto ng ama mo ng malaya. Walang responsibilidad. Kaya mas pinili ko na palakahin ka ng mag isa. Sa bawat pag tawag ko sayo lagi kita nasesermunan dahil laging may nagagawa kang pagkakamali. Alam ko bata ka lang. Mas madami pang kakulitan at kapilyuhan ang gagawin mo. Pasensiya ka na kung minsan sa 2 o 3 beses nating pag uusap sermon lagi naririnig mo sa akin. Pasensiya na anak kung di ko magampanan pagiging nanay at tatay sayo dahil kailangan ko magtrabaho para sa kinabukasan mo. Walang araw di ko inasam na nandito ka nayayakap, nahahalikan, nanakatabi sa pag tulog at higit sa lahat nandyan para sayo oras na natatakot ka o may masakit sayo. Alam ko mas kailangan mo ang kalinga ng isang ina, pero paano tayo pag di ako mag tatrabaho? Minsan natatanong ko sarili ko kung masama ba akong ina dahil mas pinili ko magtrabaho at magtiis na di ka makasama. Pasensiya na anak kung minsan nawawalan ako ng pasensiya aiguro dahil mas masama loob ko sa sarili ko sa sitwasyon na hindi ko pinangarap para sa iyo. Pero kahit ilang sermon man ang gawin ko sayo natatapos pa din ang bawat natin sa i love you mo at uwi ka na dito mommy. O di kaya i miss you mommy. Pasensiya na anak, kung sa ngayon di pa tayo magkasama. Balang araw darating ang panahon na magkakasama tayo.

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I feel you po . Malayo din po ako sa anak ko 1 month old palang anak ko malayo na ako sakanya😢😢😢

VIP Member

Awww 🙏🙏🙏

nakakaiyak 😭

VIP Member

hugs mommy

😔

VIP Member

😢

😭

VIP Member

💔