5778 responses
Yes, kaylangan namin pagusapan yang parenting. Dapat kming mag asawa ang mag kasundo muna para hnd ma confuse ang mga anak namin s mga rules, decisions namin for the family. For unity, peach and harmony na din ng home.
Mas soft si mister ko pagdating sa parenting kaya siguro mas malapit sa kanya ang anak namin while ako ang mas strict pagdating sa mga rules and chores sa bahay at sa labas
depende kase magkaiba kame ng religion pero iniintinde at pinag.uusapan namin pag dating sa bagay na magkaiba kame ng style or paniniwala sa pagpapalaki kay baby :)
Kapag ako ung nagagalit, si mister ang kalmado. Hindi pwedeng pareho kaming nagsesermon sa mga bata. Kasi baka imbes na makinig sila magkaron sila ng fear na di dapat
d naman ako pinanagutan ng dalawa sa una magkakaiba kase tatay ngayun lang sa pangatlo may lalaki na tinanggap ako at minahal higit sa lahat pinanagutan ang baby ko
May pag ka soft ang mister ko pag dating sa bawal at makakasama sa anak namin. Kaya ako yung nagsasabi ng no kapag talagang no. We sometimes fought about it.
depende kasi pag ako galit hindi ko pinapansin anak ko hanggat hindi sya nag so sorry. asawa ko kasi pag pinagalitan nya aamoin agad nya.
Depende. We always have a meeting kung anuman man mga desisyon na gagawin or desiplina para sa mga bata
open kc kami pag usapan kung ano ang mas makakabuti para s mga anak nmin kaya depende ang sagot q
Magkaiba kami ng style, pero syempre nasa pag uusap yun para hindi ma confuse ang mga bata