TEAM DECEMBER

Parang kelan lang nag post ako na bored na bored na ko at naiinggit ako sa mga Mommies na nag popost na 34weeks pataas na.. 22weeks ako non, now 34weeks and 4days na din ako ? Ngayon nagsisink in sakin malapit na talaga lumabas si Baby! Ngayon na din lumabas ang mga symptoms na malapit na ko manganak. Nagmamanas na paa ko pag pinindot lumulubog ? Lakad lakad na sa umaga at para maarawan di manilaw si Baby paglabas. May times na naglalakad ako parang tinutusok yung ihian ko or pwerta ko, ngawit din lagi ang balakang at likod ko at pag nagkamali ng unat ng nakahiga masakit sa tagiliran. Handa na din ang Hospital Bag ? at nag dadiet ng bongga para di na gaano lumaki si Baby ? Ano na nararamdaman at kasu kasuhan ng mga Team December dyan? ? Praying for our safe and hopefully normal delivery saating lahat dito ? bawal kabahan kaya natin to!

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Same na same! Parang may mahuhulog sa puson ko πŸ˜‚ Puro pa white discharge.v