Need someone to talk mga mommy

Parang hndi pa ko ready sa pinagbubuntis ko na 2nd baby. Ayoko kasi makarinig ng mga di magagandang salita sa mga kamag anak ng hubby ko masyado silang judgemental ? Lalo na yung tita nya na akala mo kung sinong perfect pag wala kang pera wala ka pakinabang sa knila. Sa panganay ko pa lang dami na nila snabi pano pa kaya ngayong buntis ako sa 2nd baby namin.. Kaya natatakot ako na ituloy to parang napanghihinaan ako ng loob. Tska feeling ko parang hndi ko pa kayang mag alaga ng dalawang bata ? Nadodown ako mga mommy ?

49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam ko mahirap sabihin na wag mo isipin sinasabi nila. Lalo na kung kasama mo sa bahay at naririnig mo lagi sinasabi. I mean tao ka lang, talgang masasaktan ka. Pero momsh isipin mo na hindi ka dinala ni Lord jan na hindi mo kakayanin. And every life is a blessing. Mag open up ka kay hubby about what you feel. If di pa kayo nakabukod, gawa kayo ng way na bumukod. Trust me ang sarap sa feeling na kayo kayo lang. Alam ko mahirap na walang kasama pero as a mom we have to face na talagang may sacrifices. Pag nakabukod na kayo hindi mo na kailangan makita or iinvite mga kamaganak na toxic. Wag ka na guilty na i cut off sila sa buhay mo. Mas mahalaga happiness mo and ng pamilya mo over what they are going to say.

Magbasa pa