49 Replies
Alam ko mahirap pero try your best not to let them get to you. Huwag mo sila pakinggan. Huwag mo didibdibin yung masasama nilang mga salita. Blessing ang magkaroon ng baby. Ang daming couples na hirap magkaroon ng baby. Nobody is ever completely ready for parenthood or for having another baby in the family, kahit anong research niyo pa yan, basa ng parenthood books o paghingi ng mga advice from experts. However, you and your husband have 40 weeks to prepare for your baby's arrival. So, please keep God's blessing sa inyo. Sa pag-aalaga naman ng bata, hindi lang ikaw ang mag-isa. Tagteam kayo ni hubby. You can also seek help from your own family / close friends should you need it. Kung hindi maiwasan sis yung alitan niyo, it would be better to relocate to your family's house for the meantime. Hindi kasi makabubuti sa inyo ni baby ang stress at sama ng loob mo sa Tita/family niya. Dapat positive vibes lang palagi.
Hate na hate ko mkbasa ng gnto mamsh ! Sorry a , pero alm mo ndi mo sla kelngan intndhin e , bkit kaya gnun nu , lage nlang npasok sa isip ng tao ung ssbhin ng iba , imbis na mas dpat ntin isipin e ung srili ntin at ung blessing ba dmating satin ππ nkkalungkot lng kse lgeng damay ang baby e . Sorry say this mamsh a , kung alam mo nman na wla slang ambag sa buhay mo kesehodang kamag anak mo yan o kamag anak ng mister ndi mo sla dpat isipin , be proud kse my blessing na naman na dmating sau e . Ipakita mo sknila na kaya mo . Tska kung iisipin mo lng ssbhin nla wlang mangyyari sa buhay mo . Tingin mo ba mamsh pag ndi mo tnuloy yan mannahimik sla ?? Ndi dba mas ijjudge ka nla promise .. Pray lng lge kay GOD ππ
Alam ko mahirap sabihin na wag mo isipin sinasabi nila. Lalo na kung kasama mo sa bahay at naririnig mo lagi sinasabi. I mean tao ka lang, talgang masasaktan ka. Pero momsh isipin mo na hindi ka dinala ni Lord jan na hindi mo kakayanin. And every life is a blessing. Mag open up ka kay hubby about what you feel. If di pa kayo nakabukod, gawa kayo ng way na bumukod. Trust me ang sarap sa feeling na kayo kayo lang. Alam ko mahirap na walang kasama pero as a mom we have to face na talagang may sacrifices. Pag nakabukod na kayo hindi mo na kailangan makita or iinvite mga kamaganak na toxic. Wag ka na guilty na i cut off sila sa buhay mo. Mas mahalaga happiness mo and ng pamilya mo over what they are going to say.
Well said mommy...
Kaya mo yan Momsh!! Basta lagi mong iisipin mga anak mo. Hayaan mo sila sa mga gusto nilang sabihin. Wag Kang papaapekto kasi mkakasama sa dinadala mo yan. Walang Ina Ang ndi kakayanin Ang lahat Ng pagsubok Lalo na pagdating sa mga anak. Wala pa man akong experience as a mom, at lalong pwede mong sabihin na " Wala Kasi ako sa posisyon mo" Kaya ko nasasabi to, pero naging Ina kna sa una mong anak. Ganun Lang din gawin mo sa 2nd baby mo. Nandyan Naman asawa mo para suportahan ka. Kaya mo Yan. Fighting Lang Tayo Mommy.
Salamat sa pag cheer up mommy.. Hndi tulad ng ibang nanay na nag cocomment na parang ako pa ang sinisisi sana dpat hndi na muna gumawa.. Imbis macheer up ka hndi eh lalo lang nakakastress comment nila.. Hndi planado tong 2nd baby mommy kaya prang nafefeel ko sa sarili ko na hndi pa ko ready π
You don't have to listen to anything they say against you. In law's mo Lang Sila,baby mo yan nasa sinapupunan mo. Baby that was given to you by God. The gift made from you and your husband's love, from your flesh and blood. Alam ko na di natin maiwasan mag isip o makaramdam ng ganyan kasi we're emotional right now.. but that baby is a blessing. Binigay yan kc para talga sya sayo kaya mommy wag na masyado mag isip at mag worry sa in law's mo.intindihin mo nlang Yung health nyo ni baby. God bless.
Salamat sa cheer up mommy! Gob bless
Dedma na lang mommy. I feel u, 8 months pa lang yung panganay ko noon nabuntis na agad ako. Wala naman na tayong magagawa. Ngayon 2 yrs old na 1st baby ko and yung 2nd is 7 mos old na. Ako lang nag aalaga, kinaya ko naman. Hindi sya madali pero kakayanin natin syempre. Hayaan mo na lang yang mga judgemental na yan hindi naman sila yung mag aalaga tsaka hindi naman sila yung bibili ng diaper at gatas ng baby mo. Mas may kailangan kang unahin kesa pakinggan mga sinasabi nila
hindi talaga mawawala yang mga ganyan mommy at wala na rin tayong magagawa sa mga ganyan klaseng tao. kaya wag mo na lang pansinin, dedma lang mommy. pakita mo na lang na kaya mo. okay nga rin yang ganyan na magkasunod sabay lalaki wala nang maiiwan na aalagaan diba? look on the bright side na lang mommy wag ka magstress its bad for u. tsaka nandyan na yan e alangan naman di mo ituloy yan just learn the art of dedma. nako paglabas nyan baka yang mga nanjujudge sayo magpaunahan pa sa pagiging ninang. kung kinaya ko kakayanin mo rin
relax lng momshie.. pray ka lng kay God.. ako nga.. 5months plng ung panganay ko.. nabuntis nako agad.. kung ano ano naririnig ko both side.. sasabihin sakin. mahilig daw ako. hnf ko man daw inabot ng khit isa o dalawang taon. ngpabuntis na daw ako.. pero syempre.. hinahayaan ko na lng cla. kc ako naman mgpapalaki s mga anak ko. hnd naman cla.. pero ngaun 10 and 9 na cla.. kinaya ko khit mg isa lng ako.. healthy and smart cla. tiwala lng.. lalo n kay God.
2 yrs old pa lang panganay ko mommy kaya nakakaramdam ako ng awa na baka hndi ko sila maalagaan ng maayos or wala pa kong kakayahan mag agala ng dalawang bata. π
Kaya mo yan Mommy, napagdaanan ko na yan kasi magkasunudan lang din panganay at pangalawa ko. Yung maglalakad lakad ka dami babati sasabihan ka baby pa anak mo nasundan agad di pa nga yata yan nakakalakad. Ni halos ayaw ko na lalabas non ng bahay maski sarili ko pamilya iba din sinasabi. Pero kaya mo yan mommy malalampasan mo din yan hayaan mo lang sila, learn the art of deadma ganun lang ginawa ko sa tulong ni hubby naka cope naman po ako.
momsh, andyan na yan ituloi mo po wag gagawa ng labag sa kagustuhan ni God, biigay Niya sa inyo yan mean deserve nio maging magulang. . ndi nwawala ang mga ganiang klaseng tao sa ating paligid. For as long as u are doin ur best to be a good parent, hayaan mo silang ijudge ka. . after all ikaw nmn ang mhhraoan sa pagaalaga at pagpapalaki at ndi sila.. mhirap mg alaga ng anak pro ms mhrap ung ndi mo sya ittuloi dhl lng s iisipin ng iba..
Kapwa nanay lang talaga ang makakaintindi sa mga problema salamat po β€οΈ
Much better po kung bukod na kayo ng hubby nyo if kaya nyo naman, pero kung hindi pa, dedma lang sa kung ano sabihin nila sayo momsh, focus ka sa baby and sayo. Kahit anong sabihin ng ibang tao hindi makakabawas ng pagkababae mo yun basta wala kang tinatapakang tao at wala kang ginagawang masama dedma lang momsh. May ganyan ako sa side ko pa, sariling tita ko pa. E kaso wala akong pake sakanila, napagod sila π
Anonymous