Mga mommies ask ko lang po bat kaya pag pinapadighay ko si baby nag lulungad sya lagi,

Parang may halak din sya, pinacheck up namin sya nung isang araw kasi parang umuubo at may lumabas na plema sa kanya nung pina dighay ko sya pero isang beses lang po nangyare yun, ang sabi naman ng pedia nya ay padighayin lang daw ng maayos at parang wala naman syang narinig sa dibdib at likod ni baby maayos naman daw yung pag hinga nya. Pero nag aalala parin ako kasi sige parin ang lunggad nya, at parang laging nasasamid. Masyado po kasi expose sa usok ang anak ko dito sa bahay. Kahit na di kami lumalabas umaabot yung amoy usok ng sigarilyo dito sa taas sa kwarto namin at nag sisiga din po sila sa kabilang bahay. Btw 3months po ang baby ko.

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Baka kaya po sobra ang lungad is masyadong naaalog si baby. Baka naman po may halak dahil tutok ang electric fan sa kaniya.