Your child, your rules.

Parang di nasusunod samin yan. Nakakainis. Sinabi nang no sugar, no salt muna ang baby ko, kung ano anong pinapasubo at pinapakain nila eh 5 months pa lang. Nung umalma naman ako nang may halong galang pa rin, sinasabihan pa kami ng asawa ko ng maselan daw kami masyado sa anak namin. Di naman kami makaalma nang bongga kasi mga tita at mama nya mismo ang nagsasabi sa amin non. First time mom ako kaya hanggat maaari susundin ko ang pedia ng baby ko kesa naman matataranta at umikot ang pwet ko kapag may nangyari sa anak ko kakasunod sa kanila. Ang hirap pala talaga pag magkakasama lang sa isang compound.

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maxado pang baby, no sugar and salt talaga dapat, bigyan nila ng smash vegi. okey pa, 6, months panga pwede mag start ng solid food, tas papakainin nila ng sugar agad, haha magagaling,. . mama ko mahilig din makinig sa sabi sabi ng kung sino na matanda kesyo ganyan ganito, ng minsan nilagyan ba naman ng langis pusod ng baby ko kasi di pa tanggal, galit ko talaga,. pag na infect edi lalong problema pa, di ko na pigil inis ko sinagot ko talaga, sinabi ko nang bawal eh. malala pina ngalawahan pa,. nung na banggit nya saken inaway ko ulit eh sakto me iba kong na aamoy sa pusod, sabi ko buhusan na nya ng alcohol wag lang langis, punuin kako nya pusod ng alcohol sa sobrang inis ko😂 after nyan di ko na hinayaang si mama mag paligo ng baby ko😂 mahirap kasi magalit din mr. ko di lang nag sasalita pero nung once palang ginawa ni mama ko alam ko nainis din mr. ko di lang nag sabi saken.. kaya ngayun di ako kampante minsan iwan baby ko kay mama ko kahit mag 4months na sya. minsan kasi iniisip ko parang di sila nag ka anak kung ano ano na iisip gawin eh bawal pa nga sa baby, like painumin ng water kasi sinisinok. me duuuh pure bf tas papainumin mo ng water kasi sinisinok 🙄🙄 pwede yan maging toxic sa baby dahil di pa mature ang organs.

Magbasa pa