Parang asthma :(

Parang may asthma ang baby ko, 2weeks old palang sya.. Minsan nag wi-wheezing siya, hindi ko alam ano nag ti trigger non. Ngayon sinisipon pa sya, nagaalala na ko. Sa mga mommies dito na may asthma din ang baby, ano po ginagawa niyo? Weekend pa kasi checkup niya eh.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy iiwas mo sya baka maalikabok? Alikabok ng pulbos? Ng paligid sa unan nya? Hanapin mo ung nakakapag patrigger. Walang asthma si baby ko pero may chance since nasa lahi na 😭😭 kaya lahat ng gamit nya malinis kahit sa paligid ultimo powder na gamit na dapat talc free. Paarawan mo din sis. Napapadighay ba sya minsan? Masasabi mo kasi na hinihika pag hirap huminga lumalaki ba butas ng ilong nya. Sign un nanahihirapan sya huminga.

Magbasa pa
6y ago

Same tayo diko na nga din napapaarawan lagi naulan sa umaga e. Natatakot talaga ako pag umuubo sya kasi nasa lahi nga nila hubby ang asthma. Nasa bloodline nila araw araw ako nag papray na sana wala. Kasi nagdedevelop daw un.

Bawal anything scented sa baby. Kung hirap talaga syang huminga, dalhin na kahit sa ER lalo na kung nangingitim kuko at paligid ng labi. Baby ko noon may wheezing din at akala ko inuubo. Pero sabi ng pedia, reflux lang and then salinase lang binigay for the wheezing..nawala din naman.

6y ago

Sis hindi naman siya hirap huminga pero nakaka bahala kapag nag wheezing siya, may asthma kasi father niya kaya naisip namin baka namana nya. Ko confirm ko sa pedia niya on weekend at sana reflux lang din, may salinase na din siya kasi sinisipon siya ngayon pero hindi ko masyado makuha sipon nya kasi nasa loob wala naman sa paligid ng loob ng ilong niya.