How Many Kids?

Para sa'yo, ilan ang ideal na dami ng anak?

How Many Kids?
217 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Para po sa akin na nasa middle class ang estado ng buhay, ang pagkakaroon ng isang anak ay hndi lamang makakabuti sa bata dahil maibibigay ang knyang pangangailangan, makakabuti rin eto sa mag asawa dahil magkakaroon pa kau ng time sa isat isa to improve ur relationship, may sapat na oras at panahon to venture sa mga gusto nyo pang makamit at gawin sa buhay like pursue other field of interests, maaachieve ang self actualization and at the same time, hndi kau burdened financially, emotionally and mentally sa parental responsibilities bagkus ay mas maeenjoy pa ang mga family bondings. May oras para sa anak, sa inyong mag-asawa, at sa sarili. For me, hndi pagiging selfish ang pgkagusto ng isang anak na kaya nyong suportahan, mas iresponsable ang pagkakaroon ng maraming anak na hindi naman maibigay ang kanilang pangangailangan.😊

Magbasa pa
1mo ago

Very good mommyπŸ‘πŸ‘ ako I have two kids only at wala ng balak mag anak ulit dahil mahirap ang buhay ngayon gusto ko maibibigay ko sa kanila ang pangangailangan nila

2 lang hahaha mahirap i-provide lahat ng pangagailangang materyal at attention na kailangan. Masaya magkaanak ng madami pero choose to be practical when it comes to providing their needs like: are you financially stable or capable enough to carry all the burden of parenting? and make sure na sa huli hindi nyo magagamit ang mga anak nyo na retirement fund kasi di naman ginusto ng mga anak nyong mapanganak. kayo ang may desisyon ng manganak nang manganak kaya obilga nyong buhayin at mahalin at saka dapat siguraduhin nyong hindi kayo mahihirapan na mag asawa kung mag aanak talaga ng madami at lalong dapat hindi mahihirapan ang mga bata nang dahil di nyo maprovide lahat dahil sa dami ng papakainin.

Magbasa pa
VIP Member

1 or 2. Pero mas prefer ko 1 child lang, si hubby gusto niya 2. Mahal na kasi ng mga bilihin ngayon, baby clothes and needs are expensive na. tapos if mag-aaral na, tuition fees are increasing. Masaya magkaroon ng mini me and hubby. Pero praktikalan na ngayon 😊 Para maprovide needs and (sometimes) wants nila, i think we'll stick to 1 or 2 little ones ❀️

Magbasa pa

Para sa akin ang ideal na bilang ng anak ay nakadepende sa kakayanan mong bumuhay ng bata. Kasi kung ako ay nasa middle class, dalawang anak ay sapat na sa akin para maibigay ko sa kanila ang mga pangangailangan nila. Pero kung ako naman ay mayroong kakayanan na bumuhay ng apat hanggang limang bata ay gugustuhin ko din dahil mas marami ay mas masaya.

Magbasa pa

Opinion ko lang po ito. Hindi naman po kami mayaman, sakto lang ang kinikita. Nagbibigay ng suporta pa din sa magulang. Gusto ko po kahit 1 lang. Para makaipon po kami para sa future nya dahil ayaw po namin maranasan ung mga pinag dadaanan namin ngayon. Pero kung umokey naman kami financially oks n po kmi sa 2 :)

Magbasa pa

for me the ideal sa panahon ngayon 2 to 3. Ako, i have 2kids na both boys.. hoping for another baby this year and sana girl naman ibigay ni God ....Pero syempre depende pa rin yan sa desisyon ng isang mag asawa at sa kakayanan na bumuhay ng isang maliit or malaking pamilya.

sa panahon ngayon 1 lang kasi mahirap i provide lahat ng bagay ( materials and attention) lalo kung gusto mo maluwag na pamumuhay para kay baby. and maganda kung secure na future ng baby nya if ever may mangyari sa inyo. ngayon kasi wala ng kasiguraduhan sa nga bagay.

Ok na siguro 3 masaya naman and xacto lang sa gastusin ang mga pagpaaral. Actually depende naman din talaga sa upbringing (if lumaking marami sila or only child), experience (masaya ba or mahirap), and ung capacity ng parents to provide for the needs.

Kung sakto lng income pra makasurvive 1 or 2 lang. pero kung malaki ang income 5 - hnggng kaya. Sorry pero ayoko umabot sa pgging online pulubi na nanlilimos ng diaper at gatas dahil wala kaming pera tpos mdmi ang anak.

1 to 2 lng po ,pero now 1 lng muna para ung atensyon namin pareho ni hubby nasa kanya lng muna at masubaybayan ng maayos ang paglaki nya ,then pag okay na kami financially at may sarili ng bahay don siguro pedeng mag anak ulit