How Many Kids?

Para sa'yo, ilan ang ideal na dami ng anak?

How Many Kids?
360 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

1 or 2. Pero mas prefer ko 1 child lang, si hubby gusto niya 2. Mahal na kasi ng mga bilihin ngayon, baby clothes and needs are expensive na. tapos if mag-aaral na, tuition fees are increasing. Masaya magkaroon ng mini me and hubby. Pero praktikalan na ngayon 😊 Para maprovide needs and (sometimes) wants nila, i think we'll stick to 1 or 2 little ones ❤️

Magbasa pa

depende sa kakayanan ng mag asawa. sa case namin maayos pareho ang aming trabaho. sanay kami pareho sa malaking pamilya dahil 7 kami at 6 naman na magkakapatid asawa ko. at lahat kami napagtapos ng aming mga magulang. kaya 2-3 na anak ay ideal para sa aming mag asawa. pero kung sapat lang kinikita namin sa pang araw araw, 1-2 anak lang masaya nakami. 🙂

Magbasa pa

para sa akin sapat na ang dalawa (1 babae 1 lalaki), kung ang kinikita ay sapat na para sa pamilyang binubuo ng 4 na miyembro sa tingin ko ay sapat na iyon nararapat ng gumamit ng family planning. kami ng LIP ko, 2 anak namin, sa govt sya nag wowork sa tingin namin ay sapat na ang dalawang anak sapagkat ang kayang sinusweldo ay kinukulang pa rin minsan

Magbasa pa

Pangarap kong magkaroon ng kahit dalawang anak ❤️ Para sa akin, ideal lang ang dalawa hanggang 3 na anak, as long as kayang suportahan physically, financially and emotionally ng mga parents. Sa mga nasa high class na estado ng ating society, pwede sigurong more than 3 ang kanilang maging ideal number ng anak.

Magbasa pa

Opinion ko lang po ito. Hindi naman po kami mayaman, sakto lang ang kinikita. Nagbibigay ng suporta pa din sa magulang. Gusto ko po kahit 1 lang. Para makaipon po kami para sa future nya dahil ayaw po namin maranasan ung mga pinag dadaanan namin ngayon. Pero kung umokey naman kami financially oks n po kmi sa 2 :)

Magbasa pa

Kung sakto lng income pra makasurvive 1 or 2 lang. pero kung malaki ang income 5 - hnggng kaya. Sorry pero ayoko umabot sa pgging online pulubi na nanlilimos ng diaper at gatas dahil wala kaming pera tpos mdmi ang anak.

for me the ideal sa panahon ngayon 2 to 3. Ako, i have 2kids na both boys.. hoping for another baby this year and sana girl naman ibigay ni God ....Pero syempre depende pa rin yan sa desisyon ng isang mag asawa at sa kakayanan na bumuhay ng isang maliit or malaking pamilya.

sa panahon ngayon 1 lang kasi mahirap i provide lahat ng bagay ( materials and attention) lalo kung gusto mo maluwag na pamumuhay para kay baby. and maganda kung secure na future ng baby nya if ever may mangyari sa inyo. ngayon kasi wala ng kasiguraduhan sa nga bagay.

para sakin nasa mag asawa po iyan kung ilan ang gusto as long as kaya suportahan at buhayin pero kung sa indibidwal na opinyon ko lamang siguro okay na yung dalawa para sa akin dahil lalo sa panahon ngayun ang kabuhayan ang at pangangailangan ay tumataas..salamat..

Ok na siguro 3 masaya naman and xacto lang sa gastusin ang mga pagpaaral. Actually depende naman din talaga sa upbringing (if lumaking marami sila or only child), experience (masaya ba or mahirap), and ung capacity ng parents to provide for the needs.