ABORTION

Para sa mga nag-iisip na magpalalaglag. Di kayo nag-iisa. Naisip ko na rin yan. Natatakot ako e. Natatakot ako sa sasabihin ng magulang ko. Sa sasabihin ng ibang tao, at kung kaya ko bang maging nanay na. Naisip ko yun kasi nabuntis akong di pa kami kasal. Conservative ang tatay ko. Baka mapatay ako nun. Ramdam kita. Takot ka rin gaya ko. Pero HINDI KO TINULOY. Kasi mas takot ako sa parusa ng Diyos. Mas takot akong baka di na ko biyayaan ulit dahil pinatay ko yung biyayang dapat inalagaan ko na. Wag kang matakot sis. Normal yan. Im 2 mos. pregnant na. Pinaglabanan ko yung takot ko. Yung mga pangamba ko. Kasi buhay tong binigay eh. Kaya wala akong karapatang kitilin kung ano man ang pinagkaloob sa amin. Mamshiies, takot lang yan. Pero sobrang saya kapag may nararamdaman ka ng titibok-tibok diyan sa puson mo. Worth it yung pangamba, takot at hirap. Masarap maging nanay. At sana pag-isipan mo muna bago mo ipalaglag. Kasi ginawa niyo rin yan. Pero kung buo ng pasya mo na ipalglag yan, TANGINA MO PO! ?

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Totoo yan, 5 months na akong buntis ngayon. Hindi pa alam ng parents ko. Nung una gusto naming dalawa ng partner ko na ipalaglag na muna kasi hindi pa kami talaga ready. Hanggang sa nag-kumpisal ako, nalinawagan ako sa sinabi ni Father. Hindi pa ako nagpapa-check until now, balak ko magpacheck sa April 14. Sana okay lang si baby, napapansin ko na malikot siya sa tyan ko, madalas siyang gumalaw. Sana wag kaming pabayaan ni God.

Magbasa pa
4y ago

Di tayo pababayaan sis. At matatanggap din tayo. 😍 Be healthy sa atin sis. Kaya natin to.