😅😅😅😅😅
Ako lang ba yung sobrang takot sa magulang lalo na sa tatay/papa? Kahit tinatawag lang ako para utusan, grabe na kabog ng dibdib ko pati nanginginig na ko sa takot. Since elementary kasi ako, walang araw na di ako napagbubuhatan ng kamay. Di ko rin naranasang makipaglaro sa ibang bata kasi mapapagalitan ako. Yung pag matutulog ng tanghali, magagalit siya tapos sisipain ako para gumising. Pag naparami yung luto kong kanin kelangan kong ubusin lahat ng yon, pati yung papanis ng kanin kailangan kong kainin. Yung pag may sulat ng ballpen yung uniform ko, ihahampas niya mukha or sa mata ko. Kailangan kong mahanap agad pinapahanap sa akin ng papa ko kundi, papaluin ako ng hose na may kahoy sa loob. Pag may pasalubong siya galing trabaho, sa kapatid ko lang meron. Usually fried chicken haha, tapos ang gagawin ko hihingiin ko sa kapatid ko yung buto ng pinagkainan niya para yon ang papapakin ko. Haha! Di ako pwedeng umiyak pag pinapagalitan ako kasi mas lalo akong mapagbubuhatan ng kamay. 😅 Minsan pumapasok din ako sa school nun, highschool na ko nun... Di ako ako makaupo sa upuan ko kasi namamaga mula pwetan at hita ko yung mga latay galing sa pagpalo sa akin. Lagi pa kong nakakatanggap ng text galing sa papa ko na puro mura. 😅 At nung may nang-away sa akin ang sabi niya sa akin "bakit maganda kaba para makipag away? ang pangit mo, pangit pa ugalit mo." Pero never ako nagalit sa papa ko. Di ko lang talaga maalis yung takot na nararamdaman ko kapag may naririnig akong sumisigaw. Yung takot ko, andito pa rin e. Yung panliliit sa sarili, lagi kong nararamdaman. Kaya kapag nag aaway kami ng lip ko, natatakot talaga ko na baka pagbuhatan din niya ko ng kamay o baka iwan niya ko kasi masama akong babae. 😅 kaya natatakot din ako na baka di ako maging mabuting ina sa baby ko, kasi wala kong ginawang mabuti noon. 😞
ig: millennial_ina | TAP since 2020