Para sa inyo, ano ang basehan ng pagiging isang responsableng ama at asawa?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin, ang basehan ng pagiging responsableng ama ay hindi lang nakabase sa abilidad mong ma-iprovide yung financial needs ng pamilya mo. Andun na rin dapat yung maramdaman nilang secured sila sa piling mo, disiplinado sila sa lahat ng bagay. Kasi syempre, bilang ama, sa atin nagsisimula ang disiplina sa bahay. Andun na rin yung respeto at pagmamahal mo sa asawa mo pati narin yung pagiging malapit ng loob mo sa mga anak mo.

Magbasa pa