JUST FOR FUN. WALA KASI POLL PARA SURVEY KAYA GANTO NALANG

Para lang to sa mga may gusto, kung ayaw nyo just skip. 🫡 Mga mii pa survey lang kung alin alin dito nagawa nyo kay baby nyo according sa savisabi ng matanda. Some of these are napilitan lang ako gawin at naiwasan ko lang gawin dahil sa pag pupumilit ko kahit galit na si nanay, while some are sinusunod ko talaga. 1📌Papainom ng mapait para mailabas daw yung taon ✅napilitan lang 😥 once 2📌painom ng tubig after feeding ❌ 3📌Bigkis hanggang mag 1yr old daw ❌ (1month lang) 4📌bawal maligo monday, friday at araw ng kapanganakan ✅ 5📌wag iiwanan mag isa sa higaan kahit nasa sahig naman ako at higaan sya bawal, kahit tulog naman bawal. ❌(Di lagi nasusunod) 6📌pagpapaligo ng mineral✅na may 7📌 pinakuluan dahon ng ampalaya/oregano/kahit anong mapait na dahon✅ 8📌Papabuhusan kung ayaw pa o hindi pa bibinyagan agad ❌ 9📌langisan bago maligo ✅ 10📌bawal mabasa pusod kahit magaling na✅(si nanay kasi nagpapaligo kaya sya bahala) Score 6/10 (1,4,6,7,9,10)

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

eto po yung sa baby ko .. di po kasi ako mapamahiin ✖️ 1.never ko pinainom ng mapait si baby. Kusa kasi mawawala yan tinatawag na taon hanggang school age minsan may visible pa.. ✖️ 2. Never ko pinainum si baby ng water below 6mos old. ✖️3. Never nag bigkis kasi normal naman bilog talaga ang tyan ng mga babies .. ✖️4. Nagpapaligo ako everyday or depende sa kondisyon niya at hindi dahil sa kung Tues or Friday ✔️5. Naiiwan ko si baby Pero I make sure na nasa safe siya na lugar like nasa crib at safe na hindi matatakpan ang face niya kaya avoid ko talaga may katabi siya unan or toys or kumot ✖️6-7 Never ako nagpaligo ng may dahon Pero panligo ko kay baby ay Purified water dahil nabalita na may Arsenic content ang tubig namin dito sa Batangas at d ako sure kung safe na ba ang tap water namin. ✖️8. D ko napabuhos si baby.. kahit ngayon 1yo na ang binyag+bday niya.. ✔️9. Langisan after maligo massage lang sa upper and lower extremities ✖️10. Dahil pwede na po basain ang pusod once na dry na..

Magbasa pa