JUST FOR FUN. WALA KASI POLL PARA SURVEY KAYA GANTO NALANG

Para lang to sa mga may gusto, kung ayaw nyo just skip. 🫡 Mga mii pa survey lang kung alin alin dito nagawa nyo kay baby nyo according sa savisabi ng matanda. Some of these are napilitan lang ako gawin at naiwasan ko lang gawin dahil sa pag pupumilit ko kahit galit na si nanay, while some are sinusunod ko talaga. 1📌Papainom ng mapait para mailabas daw yung taon ✅napilitan lang 😥 once 2📌painom ng tubig after feeding ❌ 3📌Bigkis hanggang mag 1yr old daw ❌ (1month lang) 4📌bawal maligo monday, friday at araw ng kapanganakan ✅ 5📌wag iiwanan mag isa sa higaan kahit nasa sahig naman ako at higaan sya bawal, kahit tulog naman bawal. ❌(Di lagi nasusunod) 6📌pagpapaligo ng mineral✅na may 7📌 pinakuluan dahon ng ampalaya/oregano/kahit anong mapait na dahon✅ 8📌Papabuhusan kung ayaw pa o hindi pa bibinyagan agad ❌ 9📌langisan bago maligo ✅ 10📌bawal mabasa pusod kahit magaling na✅(si nanay kasi nagpapaligo kaya sya bahala) Score 6/10 (1,4,6,7,9,10)

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

0/10 😅 pareho kase kami nurse ni hubby at hindi rin mapamahiin.. kahit may sinasabi din minsan yung mga nakatatanda sa amin, kami pa rin nasusunod at kung ano sasabihin ng doctors. 😊

VIP Member

nmber 9 lang sinunod ko the rest hnd. hnd rin kc ako msyado naniniwala s mga pamahiin kht minsan sinasabe sakn ng mama ko un at lola ko. 😆 my son my rule 😊

0/10. Kahit ftm, di ko po sinunod lola ko (siya ang maraming kasabihan). I asked our pedia when in doubt. I read a lot of articles & joined groups. Ganun po.

wala akong ginawa sa mga yan mhie kasi nakabukod kami ni hubby. Kahit yung mga sabi sabi ng matatanda na kapitbahay namin di ko sinunod😅

0/10 😅 nicu baby kasi kaya kung ano yung binilin ni neonat nya, yun lang sinunod namin. good thing, di rin mapamahiin mom ko. 😁

0/10 Kung may anuman na kinukulit ang elders sakin, I make sure to consult with our pedia para wala na silang masabi pa...

1/10 9. baby oil sa katawan bago maligo para di malamigan ang lo ko kasi ang hilig magtampisaw sa tubig. 😅

wala akong sinunod na sinabi ng mga oldies doktor sinunod ko ako nanay ako masusunod

yung nanay ng partner ko kung ano ano pinapagawa kahit wala naman scientific basis

0/10 🤣 d ako naniwala sa matatanda mas naniwala ako sa pedia ni LO..