Daming arte ngayon

Pansin nyoba mga mommies, andami kaartehan ngayon sa pagbubuntis. Di naman sa tutol ako sa mga protocol ng mga OB ngayon. Pero naisip kolang yung nanay ko nagbuntis ng 9x may sakit pa sa puso pero normal lahat ng panganganak. May isa pang suhi dun. Same with everyone sa brgy na may mga dose dosenang anak at mga obese pa. Pero ok lahat ng panganganak at sa mga komadrona lang. Ngayon as young as 30yo ka high risk pregnancy na agad. Diabetic etc etc. Parang ang imposible na yung mga nanay natin hindi naging diabetic nung mga buntis sila tapos dilang ma detect ano? Pero ok naman mga babies nila. Just voicing out my opinion. Sobrang gastos at arte na magbuntis sa panahon ngayon pansin kolang.

81 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo kung bakit? Pansinin mo mga new inventions na gamit sa gamit sa pagdetect ng genetic problems while pregnant, may ganyan ba noon? Wala... Hnd lahat noon kayang mag afford ng 2decho kaya hnd lahat nadidiagnose ng tama if may heart disease talaga sila.. Hindi lahat ng tao pare parehas ang pain tolerance at healtg status para magproduce ng healthy na babies... No hate just stating the fact, ang mga doctor ng Pinas naka abang yan sa mga rare cases na pwede nila ipresent sa thesis or presentation nila sa hospital during audit at confe nila kaya todo usisa sila sa pag suri ng case sa pasyente nila... Big hit sa kanila para mapakag advance sila sa skills kung may rare case sila na maprepresent sa harap ng mga nangangain na consultant bilang panel nila... kaya pansin nyo dati sa pregnant lab test wala naman HIV test, hepa test, syphilis test, pero ngayun iniinclude na nila kc naghahanap sila ng case kung saan mapapractis nila ung tamang treatment at masubukan nila para may additional skills sila para madali hnd sila mahirapan abutin diplomate or fellow title nila.. May mga nadedeclare na High Risk ngayon kc may mga sonologies na kaya ng magdetect ng problema sa babies.. Bakit dati may CAS na ba? Lahat ba afford? May 3d 4d na ba para makita if cleft palate baby mo or hindi? Wala diba.. Evolution of Technologies din ang dahilan kung bakit andami ng kaartehan ngayon, dagdag mo pa mga bagong pasok na pagkain ngayon na unhealthy.... Just sharing what i know.. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Hello! I understand your point of view. But as a medical professional, i have some thoughts to share. I am a doctor but not an OBGyne. We now have all these new guidelines because of years and years of research, studies and data collected from the past decades (i.e. since kapanahunan ng mga nanay natin). During their time, hindi pa talaga existing itong protocols na ito because there were not enough data in the first place. Additionally, isa sa top 10 goals ng World Health Organization ngaun is to decrease fetal-maternal mortalities and morbidities (complications and possible deaths). Over the last decades there has been significant decrease in these cases primarily due to the development of these new protocols. Medical science continues to evolve and adjust as we get more and more information about how the body works, just as we all do due to changes in lifestyle, environment, etc. I hope this helps. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Asawa ng tito ko 12 ang anak. 13 pa nga, namatay yung isa. Walang pre/post natal. Walang vitamins. Walang hospital. Tapos pagpanganak, nanay lang din kumadruna. Kasi dati sa amin, wala naman masyadong pastries na kinakain. Walang milk tea, walang coke, cokefloat, walang ice cream, walang lechon, fried chicken, mukbang, fries, burger,cake, at iba pa. Wala din cellphone, walang signal eh at wala din kuryente sa amin. 1990's. ๐Ÿ˜‚ Tapos kami din 7 kami magkakapatid. Lola lang namin kumadruna ni mama. Tapos cordcoil pa panganay. Nalaman kong cordcoil dahil nung buntis ako sabi ni papa, yung kuya ko daw pag labas naka pulupot ang pusod sa ulo. Kaya nahirapan mama ko pagpanganak. Hindi naman nila alam ang term na cordcoil๐Ÿ˜

Magbasa pa

Naisip ko dn yan. Dati nga daw isang beses lang nagpapa ultrasound. Ngayon, halos kada balik sa OB. Kaya siguro malalakas mommies noon kasi sa life style at mga kinakain (para saken ha..di ako nagmamarunong). Kung mapapansin natin, kali kaliwa ang mall. Minsan pag tamad tyo mag luto, umaasa tyo sa fast food and deliveries, may mga pagkain na galit sa preservatives and artificial flavors, anytime nakakapag starbucks at milk tea etc..Unlike noon na palaging healthy foods nakakain ng mga tao, sabak sa exercise etc. Tska yung pollution na din siguro, di lang nstin napapansin. Byenan ko nga parang mas malakas pa pwersa kesa sken haha. Kaya sa pag sa gawaing bahay assist assist lang ako ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

Gnun pi cguro tlaga dhil nun mga sa unang pnahon na mga nagbununtis wla pang mga chemical ang mga kinakain ..compaire mo sa ngayung pnahon mraming nagbago kya sguro lhat sobrang selan ng pagbubuntis khit normal lang ang panganganak mo .likr twice a week ka nagpapacheck upp .pero nuon ela man nagpapa check upp wla pang alam kung ano kasarihan ng mga anak nila .like kme 13 kme all normal nanganak ..pero dnamn msamang sundan ntin ang sinasabi ng mga magulang nten .minsan .dhil sila .nkaranas ng maraming panganganak na wlang kselan selan..mraming bwal .tlaga pero nsa sau un if sundin mo mga bwal o hndi ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
TapFluencer

Iba kasi ang lifestyle nun sis. Ngayon kabilaan na ang fast food, milk tea shops, snack bars and the likes. Mas convenient na din ang mga activities ngayon at mas magaan ang buhay gaya ng paggrocery, paglalaba etc dahil madami ng gadgets and equipment. May mga simple things na din natin napapansin pero greatly affect our lifestyle gaya ng TV and remote, hilata ka lang ang remote remote instead na lalapit ka sa TV para phitin at ilipat ng channel. Cable TV, mas madaming choices na panoorin so higa or upo na lang ang binge watching with matching chips pa.

Magbasa pa
5y ago

PS. Smahan mo pa ng climate change and global warming, mas mainit na panahon mas polluted,mas at risk ang health natin ngayon.

i feel you momsh..ganyan din yung pananaw ko..ako ksi naka 2 babies na bfore wla nmang pa ek ek na kung ano2..sa bahay lang ako nanga2nak..then sa hilot pa na magaling na matanda..so far ok nman mga baby ko.. ngaun sa pangatlo ko..haay..napaka arte talaga..dami risk..31 na din ako kesyo may GDM khit isang no. lng ang tumaaas..punta sa ganito..punta sa ganyan..bili ng ganito ng ganyan..bwisit talaga..mas gu2stuhin ko pa nga ulit sa bahay nlang..kampante pa ko.. nawalan pa ng trabaho yung mga kumadrona/hilot na gusto lng din mkatulong sa tao..sa maayos na paraan..at mas sulit na bayad ng panga2nak

Magbasa pa

Momsh. Kung nakkabili tayo ng skin care products, make up or anything para maalagaan sarili natin, why not do the same and follow protocol para sa overall health ng baby na mag papasaya satin pag labas. Hindi naman nila irrequire mga yan dahil trip lang ng mga doctor natin. Minsan mahirap talaga , pero mas mahirap kapag tinipid mo yung check up mo tapos may problem si baby sa huli. Si OB din lang sisihib natin na hindi tayo inalagaan. :) Follow nalang po tayo , tayo at si baby din naman nagbbenefit.

Magbasa pa

Hahahaha yung ob ko hanggang 34 weeks lagi chinicheck si baby so 1000 yun tapos lagi result low lying placenta hanggang yung last totally covering na sya, then nung nag pa ultrasound ako sa iba normal daw at mataas yung inunan ng bata, gusto nia ako ics ng before end ng december ang due ko jan16 then nalaman ko ang due ko pala talaga is jan 1 kaya pala gusto nua ako ics na bago mag january to make sure na sa kanya aq manganganak at kikita sya , sad to know na may mga ganung klaseng ob

Magbasa pa
VIP Member

Ako since maselan talaga mag buntis at need talaga ng help ni ob kasi 4x nako nalaglagan before, kahit magastos push kay ob. 1week ko sa duphaston 1,400+ na bukod pa mga vitamins, at monthly check up minsan twice a month pa nasa ob! Naisip ko what if wala akong pang provide sa gastusin sa pagbubuntis? Pano na naman mawawalan na naman ako! Kaya this time pinaglaanan at pinaghandaan namin before ako nagbuntis ulit! Butas bulsa but for me mas mahalaga safety ni baby ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa