Panonyo tinuturuan ng alphabet ang mga anak nyo?

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kailangan nating i-expose sa alphabet ang ating mga anak at a very young age. In my case, I exposed them visually and auditory though videos sa Youtube at apps pero hindi matagal. My kids had the tendency to get addicted sa gadgets kaya may time limit. Mas exposed sila sa concrete objects like books, flashcards, and toys na may alphabet at nakatutulong din ang poster para lagi nilang nakikita. Kailangan din nilang matutuhan ang sound at gamit ng alphabet at mas nakatulong sa mga anak ko na may examples using real objects na nagsisimula sa particular letters of the alphabet at worksheets din pwede ring gamitin. Di naman kailangang bumili ng mamahaling gamit. We can use our home tools, mga nakikita sa supermarket na produkto at signage sa pag-aaral. Pwede ring gumawa ng flashcards gamit ang scratch papers or karton. Kids have to hear, see, feel, and apply the alphabet in real life situations para madali silang matuto.

Magbasa pa