Any advice naman po💔😭

Pano po yung ginawa nyo nung iniwan kayo kahit nagdadalang tao? 30weeks&4days nako pero pinabayaan parin ako ng ama ng magiging anak ko, hindi ko na alam kung pano magsisimula ulit para magpatuloy. Sobrang sakit💔 hirap na hirap na po ako🥹😭

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung sakin man mangyari to ok lang. Di ako ang nawalan. Sya. Mas masaya ang buhay ko kasi may anak akong kasa kasama. Sa anak ko pa lang kuntento na ko. Magsisisi din yan balang araw. Hahanapin din nya yang anak nya at sya rin ang mahihirapan pag di sya natanggap. Focus lang sa baby. May mga libre naman sa public hospital na mga check up or medical and financial assistance para sa mga single parents sa lugar nyo. Kayang kaya yan mi. Mas masaya kasama ang anak kesa sa mister na walang kwenta. Dami pa jan na mas matino.

Magbasa pa

same case mi tatagan mo lng po loob mo pra sa baby mo.. hayaan mo na ung partner mo andyan pa nmn ung family and friends mo.. ako nga hinayaan ko na sya and then ngfocus nlng ako sa sarili ko pati sa baby ko kc hnd mmn sya kwalan at maistress lng ako kung iisipan ko ung ginawa nya.. kaya wag ka mgpakastress sa knya mii kaya mo yan pra sa baby mo.. keep strong mii para sa baby mo .. magpatuloy ka prin khit wla sya🤗

Magbasa pa

Lakasan mo ang loob mo mi, kumuha ka ng panibagong simula sa baby mo. Kailangan mo magpatuloy para kay baby. Sa pamilya ka kumapit, sa magulang mo or mga kapatid. Laban lang mami. Sending hugs

Kung may mga kaibigan ka po dyan na malapit wag ka na mag-atubili humingi ng tulong sa kanila. Mas okay din pag magulang mo. No choice mi,wag mo na asahan partner mo kung iniwan ka.

2y ago

salamat po.

TapFluencer

Kayanin mo mii para kay baby mo. Hingi ka din ng tulong sa parents mo or parents ni partner mo. Lakasan mo po ang loob mo kasi kelangan ka ni baby.

Magbasa pa

thankyou po sa inyong lahat na nagcomment🥹💖

Related Articles