sinasaktan ng partner
Pano po pag buntis po kayo tapos sinasaktan kayo ng partner niyo hahayaan niyo pa po ba mabuo pamilya niyo o iiwan nyo na lang po? 36 weeks na kong buntis pero pinag hihinalaan ako ng partner ko na nag papagalaw ako sa iba at sinasaktan niya din ako. Please kausapin niyo po ako

May basehan ba lip mo para akusahan ka nyang nagpapagalaw sa iba? Kung ano man ang mas malalim pang dahilan kung bakit nasasaktan ka nya alam kong alam mo na mali manakit ng babae lalo nat buntis ka pa. Wag mo syang sanayin na sinasaktan ka for sure nung nililigawan ka nyan halos di ka nyan padapuan sa lamok. Kausapin mo ng masinsinan kung pano nyo aayusin yung relasyon nyo. Kung hindi makausap ng maayos hingi ka na ng tulong sa mga magulang nyo o kamag anak na pwedeng mamagitan para magkaayos kayo. Pag hindi pa din nandyan ang brgy at dswd at mas lalong andyan si Tulfo. Marami kang pwedeng lapitan momsh hindi ka nag iisa. Kung nagwoworry ka na lumaki na walang tatay ang anak mo, mas okay na maging single mom kesa magtiis ka sa buong pamilya na nagkakasakitan kayo at lumaki ang anak mo na nakikitang sinasaktan ka. Focus on your baby momsh and be strong. God is always with you.
Magbasa pa

