San kayo nakatira?
Mamsh, survey lng po. San po kayo nagsstay ngayong buntis kayo? Or ngayong nanganak na kayo? Sa bahay ba ng partner niyo or sa parents niyo? Ps. Sakin po kase sa parents ko kami nakatira ngayon kase mas maaalagaan daw nila ako dito. Share niyo nman.
nkabukod kami sariling bahay namin, since buntis ako nun sa panganay ko at ngayon na nanganak ako sa bunso ko wlang tulong galing sa inlaws ko khit andyan lng sila sa paligid nmin. wla akong maasahan sa knila lalo na sa mother ng mister ko mas ma istress lng ako pg kasama ko yon, mas masarap talaga kong mother earth mo tlaga mg aalaga syo dhil sigurdong maaalagaan ka ng maayos.. napapasana ol na nga lng ako sa mga nanay na inaalagaan ng nanay nila ngayon lalo na nung pgkapanganak nila..haiistt.. mamang uwi kana 😔 khit andyan si husband katuwang ko pero kulang pdin yong oras dhil my work din sya 😞
Magbasa paActually nakabukod talaga kami ng husband ko dalawa lang kami sa bahay and nagwowork sya pero since malapit na ako manganak sa first baby ko nagdecide kami na magstay muna ako sa bahay ng parents ko para meron akong kasama at magguguide saken pagkalabas ni baby while yung husband ko naman maiiwan dun sa bahay namin dahil sa work nya. Pag okay na lahat saka na ako babalik sa bahay namin kasama si baby.
Magbasa paas of now na preggy ako dito ako sa parents ko kasi dito ako comfortable pero kapag nanganak na ako ang usapan sa mga in law ko na kasi hindi naman ako maalagaan ng father ko at medyo nakukunsume ako sa kapatid ko and mas better na sa in laws ko kasi sila mas may alam sa pag aalaga ng baby kaya pwede nila ako maiguide
Magbasa pasa nirent namin na bahay ni Hubby ko. Though nagpupunta naman si mama ko to take care of us kasi malapit lang naman sa bahay namin, nararanasan ko yung struggles ng pagiging newbie mom... mahirap ,masarap pero worth it! i also get to decide kung ano gusto ko para sa baby ko with husband consent. 😉
Mas okay kung sa parents natin kesa sa in-laws. Parang pag gawa lang yan ng thesis, mappressure ka. Hahahahahah! I prefer sa bahay ng parents ko though nakatira ako sa bahay ng in-laws ko pero wala sila dito sa Pinas. Kaya mother ko pa din kasama ko sa pag alaga kay baby.
sa eldest ko sa bahay ng parents ko, 2nd sa bahay ng in laws ko pero di rin nman sila naka stay dun kaya parang naka solo kami ni hubby .. we have 2kids now parehong boys and im 25weeks preggy now (sana baby girl naman hehe) and still working as sales staff sa mall..
sa bahay ng mama ko pero di din naman sya dito nag-istay kaya dalawa lang kami ng asawa ko.hirap pag walang ibang kasama kaya kinuha namin pamangkin ng mister ko para dito muna sya kasama namin.4 days palang since nanganak ako at hirap pa ako kumilos dahil sa stitches.
Ngayong buntis ako nasa apartment kami ng partner ko. pero napagkasunduan na pag nanganak na ko dun muna kmi sa bahay ng kapatid ko para may kasa kasama ako pag pang Gabi si daddy. di Rin maka uwi sa probinsya para magpa tulong sa parents eh
nung first month sa family ng hubby ko but since ang hirap ng sitwasyon sa kanila nakaag share ako sa magulang ko at nag decide ako na sa bahay nalang kami.atleast sa bahay comfortable ka. kase pamilya mo mismo kasama mo.
Ngayon dito kami mag asawa sa bahay ng family ko. Ako nalang naman kasi talaga nakatira dito, pero pag malapit na ako manganak or pag manganak na ako dun kami sa kanila para maalagaan at matulungan ako ng mama niya.