ALMORANAS

Pano po mawala yung almoranas? ano magandang lunas? malapit nako manganak baka lumala almoranas ko

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ang recommend po sakin ng ob ko is more water talaga saka eat po ng kangkong or green leaves then inom ka paminsan minsan ng may caffeine then after mo dumumi umupo ka sa arenola na may warm water 15-30mins daw po do that twice a day or after your stool. May nireseta din saking cream pero i guess di sya effective mahal pa naman hahaha. Mas lalo lang humahapdi nung nilagay ko.

Magbasa pa

momshie sa akin ang ginawa ko yung mainit na tubig yung kaya na sa skin mo lagyan mo nga bimpo ipahid mo sa almoranas mo kasi yan lang ang ginawa ko para ibsan lang ang kirot kahit 3 times a day mommy huhupa din yan yung sa akin dumogo sya mommy pagkatapos nun nawala na sya 8 months pregnant then ako nun..thanks god nawala na sya..

Magbasa pa
5y ago

Mga ilang mins. Po ang pagbabd ng bimpo?

VIP Member

Everytime na dudumi ka warm water ang ipanghugas mo. Kain ka ng leafy vegetables at high fiber foods. Damihan mo din water intake mo para magsoften yung dumi mo. Everyday upo ka sa warm water 2-3x a day. After ko manganak tska ako nagkaalmoranas. May mga tropical ointments din na pwedeng ipahid, ask mo OB mo.

Magbasa pa
2y ago

same situation po. after manganak, lumala sya. madalas din kasi matigas poop ko. nagwo-worry tuloy ako na baka di na mawala yung parang bukol.

VIP Member

Wag ka pong iiri kapag nagpoop ka. Do breathing exercises lang. Upo ka po sa planggana na may warmwater na pinagkuluan ng dahon ng bayabas habang nakahubad. Babad mo lang hanggang sa mawala init ng tubig.

VIP Member

Hi momsh! Nakita ko ito sa website natin, i hope makatulong 😊 https://ph.theasianparent.com/almoranas-sa-pagbubuntis/

6y ago

thanks po dito. .

wag po kayong kakain ng meat mampatigas ng dumi yun, mga green leafy veg. fruits n more water...

Actually, cold compress. Medyo ibabad mo.

Ff