???

Pano po ba matitigil sa iyak, kagabi pa po ako naiyak kasi ayoko na magpadede sa sobrang sakit dahil puro sugat? diko na kaya tapos inaabot kami ng ilang oras di padin sya natutulog lahat na gnawa ko para gumaling pinapadede ko din sya ng pinapadede ksi sabi laway lng nya mkakapag pagaling pero ilang weeks na wala pa din new mom lang po ako? need ko lang ng advice sa mga mommy jan kasi di nako mahinto kakaiyak lalo na pag nadede sya sakin kasi sobrang sakit tlaga, nilalagnat ako 38.5 pero padede padin ako ng padede kasi hndi naman pwedeng hndi? kailan kaya to matatapos hate na hate ko na magpadede dahil sa sakit kung wala to baka mas magana pako magpadede? napapraning nako pag naiyak din sya nauuna pako umiyak sknya?

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Been there. Nagkaron pa ko clogged ducts kaya sobrang taas ng lagnat ko. Hate to say this, pero padedein mo lang para masanay na un nipple mo at hindi na sya sumakit. Huhupa din yan. And kung may kasama ka sa bahay, ask for assistance. Na after mo magpadede sila muna kay baby para makapahinga ka. Kaya mo yan. Pero kung hindi mo na talaga matiis, iformula mo na. Hindi krimen ang pagfoformula sa baby mas importante well being mo. Isipin mo lang na lilipas din yang stage na yan :)

Magbasa pa

Ganyan talga momshie pareho tayo nung kapapanganak plng baby naiyak na nga din aq sobrang hirap yung sugat tahi sa puwerta sabayan pa ng pagpapadede tapos 1 week wlang ligo tapos iyakin pa anak ...grabe puyat kapa wlang pahinga...di pa yan yung sakripisyo ngbisang ina habang buhay kaya maging matatag klng dumadating tlaga na parang gusto mo sumuko ktulad ngnpagpapadede masakit pero sa una lng yan..mawawala din padede mo lng sa anak mo...

Magbasa pa

Baka mali pagpapalatch mo. Yung sugat lagyan mo ng breastmilk mo at patuyuin. Warm compress at ihand express mo yung breasts mo para mawala yung mga clogged ducts. Nuod ka sa youtube ng paghand express. For the meantime pwede mo icup feeding or bottle feeding with your expressed breastmilk muna si baby para marest ka. Sali ka sa breastfeeding pinays sa FB para maguide ka.

Magbasa pa

Ganyan din ako,dumating na sa point na cnabi ko na sa husband ko na ayaw ko na magpadede kc sobrang sakit tlaga,mag dalawang linggo ko tiniis ang sakit at kirot,nilagnat din ako ng 3 araw.. Pero 19 days old na baby ko ngaun,nawala na din yung sakit at kirot pati sugat ng dede ko magaling nadin. Tiis tiis lang momsh para kay baby..

Magbasa pa

i feel you mom, nagkatrauma nga ako sa pagpapadede ksi inverted nipples ako at nahirapan din ako sobra, ngaun 1 month na si baby, okay naman na un pagdede nya sakin, nasakit parin pero tolerable na. Tyaga lang mums, isipin mo nlng para kay baby yan, lilipas dn ang sakit at araw, lalaki din si baby.

Okay lang yan mamsh, tiisin na lang ang sakit at kirot pag nadede si baby. Ganyan din po ako, first 3 weeks. Tiis tiis lang din para makadede ang baby ko, tsaka inverted nipple po ako gumamit po ako ng syringe at breastpump para lang po lumabas. šŸ˜Š

Nagkasugat din aq sa nips nung 1st month ni baby na nagdede skin.. Gingawa q, pinump q muna then transfer sa f. Bottle. Dun q muna xa pinadede til nagheal ung nips q. Mabilis lng namn gumaling. Ngaun 3months n xa and 10days, di namn n nagsugat nips q.

Ako 1st time mag padede.. Sobrang sakit din ng dede ko pag na dede baby ko halos ndi na maipinta sasakit. Ang ginagagawa ku na lang pinapam ko dede ko tsaka ko sya padededein sa bote..

Kayanin po natin mommy para kay baby. If di po sya gumagaling sa laway ni baby. Try nyo po gumamit ng nipple cream. Soothing gel po sya para malessend ung paga and sugat šŸ˜Š

No choice po mamsh. Kahit masakit need padin talaga. Tiis tiis talaga po. Try mo MQT Nipple balm. Nakatulong sya sakin nun mga 1st week ko sa pagpabf kasi ganyan din ako.

Related Articles