9 Replies
Normal lng nmn un nrramdamn mo. Sympre ngalit ka dhl feeling of betrayal nrramdmn mo from ur partner. Plus ung trust nasira. Mahrap buuin ang trust ksi ang klaban mo dyan sarili mo mismo. Pagisipn mo maigi sis kng final na ayaw mna. Mrramdamn mo nmn kng tlgng nagsisisi sya at tlgng eager sya buuin uli un trust mo sknya. Kng sa tingin mo tlgng nwala na love mo sknya iwan mna sya. Pero kng ndi kdn sure sa feelings mo I suggest give him a chance. Give him a chance kng tlgng nafefeel mo un sincerity ng pagsisisi nya at eager sya uli to earn ur trust.
Well ako hindi ko pa naexperience. First ko kasi asawa ko and so far okay naman. In our case umpisa pa lang winarningan ko na sya na "isang pagkakamali lang". Hindi ako naniniwala na kailangan ko tanggapin uli ang isang taong niloko ako nang minsan, kasi naniniwala ako na nagawa nya ng isang beses gagawin uli nya. Kung magloko sya e di go. Basta hindi na nya makikita anak nya. And excuse me hindi ko kailangan ng sustento nya. Ganun kasimple un para sakin. Why should I make my life complicated than it is supposed to be?
Ito,Lagi sinsabi ng Papa samin ng ate ko "Kung mahal kayo ng lalaki never ever kayong lolokohin nyan,Hnd namin kayo pinalaki ng mama nyo pra lang paglaruan at saktan ng lalaking hnd kayo kayang mahalin ng totoo." Kaya alam mo nasa isip namin ng ate ko hnd namin need na maghabol sa lalaki. Mabubuhay tayong walang lalaki. Bakit mo pa bibigyan ng sakit ng ulo ang sarili mo? Kapag nakikita mo mo sya maaalala mo lang na nawalan ja ng anak dhil sknila ng kabit nya. Hnd reason ang bata pra pilitin maging masayaa ang pamilya.
Pareho lang tayo mamsh, he cheated on me not just once but 4 times at same pa din na babae. 8 months na akong preggy pero nagawa pa din niya akong lokohin. Sobrang sakit talaga. Akala niya pag natulog ako paggising ko wala na yung sakit, pero nandun pa din e. Pero dahil nga kay baby, pinatawad ko siya. Nasabi ko na lang sa sarili ko na yung baby ko na lang pagtutuunan ko ng pansin. Wala na akong nararamdamang pagmamahal sa kanya e. Nakakawalang-gana.
Better umalis k Muna ayusin mo Muna sarili mo.. pag ok kna saka ready k n ulit ska mo pag isipan Kung siya p din gusto mo balikan. . Ung sa Bata Kung may anak kayo pag usapan n lng kelan dadalaw at sustento... D KC ako naniniwala n kailngn mo mag stay para sa mga Bata. . Tatay ko niloko si mama and Nakita ko din pano nag hirap mom ko, ako n mismo nag sasabi umalis n siya.. kesa siya nmn Yung mawala sa sarili.
Ako recently lng na experience ko tapos lumayas ako kasi nga di ko kinaya, pero binigyan ko ng chance kasi humingi sya at buntis ako para sa bata, pero nawala na tlaga yung trust to the point na pati sa panaginip sa mga panaginip ko nag chea2t padin sya. Ewan ko kung ano mangyayari kinalaunan kung mahuli ko ulit.
Makikita m naman sa partner mo kng willing magbago at gusto tlga hingin na ayusin yung sainyong dalawa. Kung hindi mo nakikita sincerity nya at effort niyang ayusin, hindi worth it. LIP pa naman din kayo...
Alisan mo nalang siguro. Hanggat di sakanya manggagaling yung pagbabago na kailangan, uulit ulitin lang nya yan. Alam ko kasi naging cheater din ako.
Give him one last chance just for the baby, pag di nag bago then let go.
Javie