Need advice

Pano nio hinahandle pag nalaman niyo na nagcheat sainyo c bf/ mister?mappatawad nio ba agad?#advicepls

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

i think same situation tayo. nalaman lang na nagcheat after a year and super sakit talaga. in my case pinatawad ko sya pero inassess ko muna kung kaya kong wala sya. as in no communication muna for a month then I realized na di ko pala talaga kayang makita sya sa iba so if ever na ganun nararamdaman mo sugal ka nalang sis for the last time mahirap magkaron ng regrets. pero kung kaya mo naman na wala sya why not. malaki na rin kasi tendency na ulitin nila yun. kinausap ko pa yung other gurl na yun kahit na matagal na just to ask about them pero ang napala ko napaaway lang ako kasi may asawa na si ate gurl. ending ako lang din nalugmok. still kami pa rin ngayon hoping na di na nya ulitin kasi this time pati baby nya mawawala sakanya.

Magbasa pa

for me, hindi. syempre masakit and nawala talaga yung trust. i've been cheated before and kahit napatawad ko na siya, i can't say na nakalimutan ko na lahat ng ginawa niya. kasi every single day, naaalala ko at ang masakit don siya pa yung napagod kakaintindi sakin. in the end, he broke up with me. now, i've found a real man who can handle me at my worst and i know he'll never cheat on me lalo may baby na kami. pero if ever man, i'll try to forgive him for the sake of our baby kasi ayoko ng broken family. i've been there and i don't want my child to experience that. hindi naman din applicable sa lahat ng lalaki na once they cheat, they'll always do that, no. depende pa rin yon sa tao. if they really want to change, they will 🙂

Magbasa pa

if nag sisi tlga siya and sinabi niya lahat.. yes. . wla nmn perpektong tao. and sa case ko husband ko siya so hanggang kaya. mag papatawad. pero hindi papayag n maulit.. forgive pero let him feel the consequences of his action. mag kaiba po yun sis.. hindi mo rin need pilitin sarili. take a break kung sa ngayon d mo pa kaya.. d rin kasi makakabuti kung ipipilit mo lng n makisama ska mag patawad kung d k nmn handa pa tlga.b

Magbasa pa
VIP Member

Kung ngayon siguro na magkakaanak na kami tapos lolokohin nya ako, baka hindi ko na mapatawad. Kung papatawarin ko kasi sya, mahihirapan lang kami kasi di ko rin namn makakalimutan. Mas better na maghiwalay nalang. Di nya deserve yung forgiveness kasi di nya manlang inisip anak namin. Pero if ever lang namn mamsh hahaha sana hinde nya gawin. kawalan nya yon 😂

Magbasa pa
4y ago

nako momsh, magaling pala magtago..pero kasi depende sayo yan..pwede namang pag usapan nyo e..na magstart kayo ulit..basta no secrets, no lies..bigyan mo ng consequences..kasi tayong mga babae, madaling magpatawad lalo ng kung mahal natin, pero ang mahirap sa atin pag ganyan antagal makalimot..paranoid pa hahaha so ayun ang maiaadvise ko sayo, pray ka kay God..sa Kanya mo muna ilabas lahat..iiyak mo..after naman noon, may realizations ka..'yon ang sagot Niya sayo

ako pinatawad ko asawa ko 2019 niloko nya ko pero ngayon nag tino na sya at bantay sarado ako chaka sguro natauhan na dn kasi bugbug malala ginawa ko .. at ngayon buntis ako mas nging behave tlga sya di na sya nag iinom ksama mga kaibigan nya at lalo di na ren tumatambay bahay lang tlga sya ..

depende po kung nagsisisi ba sya. nagcheat din ang asawa ko sakin nung magbf palang kami. pero pinatawad ko sya. kasi nagsisi sya at never na nyang inulit. ngayon masaya kami, 3 years nang kasal. at may baby na din.

Ako nagpatawad ako ng nagpatawad hanggang lumala, ayun hiwalay na kami ngayon. Naupos ako ng sobra, naawa ako sa sarili ko lalo sa anak ko, nakakasawa at nakakapagod din pala ang ganon.

VIP Member

mamsh once a cheater' always a cheater.. uulit at uulit yan.. gang sa mpapagod ka nalng or ipagpapalit kna don sa kabet. 😑

4y ago

ou kasi the more na pinapatawad the more na namimihasa mga hauf na lalake na yan... sorry nadala lang 🤣✌

There should always be room for mistakes sa relasyon. But, it's up to you. If saveable pa, otherwise, let go na.

naptawad ko pero hindi naman agad2 . saka ung trust wala na hindi na solido tulad ng dati .sira na eh