Sleeping Pattern
Pano kaya maa-adjust sleeping pattern ni baby? 2 months going to 3 months na yung baby ko. Simula nung nag 2 months siya super aga niya nagigising like 1:30am to 2am then diretso na hanggang mga 10-11am. Pano kaya maaadjust na mahimbing tulog niya hanggang magumaga?
Sa akin momshie bedtime routine lang ginawa ko simula 2 months sya. Pag bedtime na, change nappy, clean up, then change clothes, Dim lights tapos lullabies sa player. Tapos pag umaga na, may sounds ulit sa radio or balita or tv. Para maaga nya madiffentiate ang gabi at araw. Nabasa ko po yan sa book, at effective naman sya kay baby. Until now mag6months na sya, diretso sya matulog 7-6am. Nagigising sya onti lang para magdede, EBF sya kaya mas madali.
Magbasa paKusa pong magbabago ang tulog ng baby mommy. Lahat naman ng baby dumadaan sa ganyang phase, hintay lang po kung kailan magiging maayos ang sleeping pattern niya.