🎉Ano ang pangako mo sa bagong ikaw? Sagutin at manalo!
Ngayong bagong taon, ano ang gusto mong ipangako sa iyong sarili para sa mas manibago ang iyong 2023? Click here to see mechanics: https://tap.red/q60u8


#PangakoSaBagongAko #Babymamaph Pangako sa bagong taon- Bagong ako, Ako po si Mary Lou M. Quindoza nais ko po e kwento ang napagdaanan ko bilang 1st time mom☺️ . Una po mga 3pm ng hapon medyo sumasakit na po ang tyan ko medyo nabukol na po sya ako lang po mag isa sa bahay kasi ang asawa ko po nasa work nag message po ako sa asawa ko na sumasakit na tyan ko pero nawawala naman ang out nya sa work ay 8pm pa. So ayun na nga po hanggang mag 8pm patindi ng patindi ang sakit sabi ko diko na kaya ang sakit punta na tayo sa ospital nagpasundo po kami ambulance dito po ako sa Imus syempre po kabado ako sobra sabi ko sa asawa ko kahit anong mangyari Normal man O CS bahala na si Lord basta ligtas kami ni baby. May sakit po kasi ako na Hyperthyroid halos lahat po ng ospital hanggang manila ay narating ko na nakapag pa check up na po ako sa Fabella hospital na paanakan di po ako tinanggap dahil sa case ko na sakit hindi daw po nila kaya ang sakit ko kasi wala sila dun Dr. para sa Thyroid kabado na po ako nun sobra kasi wala po ako mahanap na ospital maging sa ospital ng imus nung nagpa check up ako sabi ng Dr. ko dun sa OB maghanap ako ng isa oang ospital na kompleto sa gamit kaya sa Pgh sa manila nagpa check up din po ako dun halos kada check up ko ultrasound po kasi high risk po ako saka inaabot na po kami ng gabi. pagpapa check up 11pm na po kami halos nakakauwi nagdadasal nalang ako na sana ok. kami ni baby ko. So ayun po Dec. 21 po ang due ko pero nanganak po ako Dec. 15 via CS delivery po hindi ko po expect na CS ako kasi sabi ko kahit may sakit ako sa thyroid kaya ko e normal naglalabor na po ako nun sa ospital pero 1cm pa lang daw po ako kaya sabi ng OB ko sa Ospital ng imus dito na po ako magpadala kasi malapit lang po saka buti at may check up po ako sa Ospital ng Imus, pinapauwi pa po ako ng OB dun kasi 1cm pa lang pero sabi ko di ko na po kaya Doc. pero 1cm pa lang di ko na agad kaya ang sakit pala sobra pano pa kaya pag nag 10cm. 🙏 kaya pinahiga muna akobdi na ako umuwi kasi sabi ko baka di na aki abutin sa bahay. ayun kinabitan na ako ng oxygen saka ng suero at ng pang trace sa heart beat ni baby sabi ng Oab na tumitingin sakin naiire ko daw si baby wag ko daw muna e ire kasi 1cm pa lang tapos ie ako nag 4cm na tapos napakasakit na mas lalo ako nanghina nakita ko pagka ie sakin may dugo na sa kamay ng Dr. kabado super sabi ko aanak na ako, kasi lumabas na yung dugo which is yun yung napapanood ko sa youtube na kapag lumabas na ang dugo aanak na. yun pala malayo pa dapat daw 10cm nag uusap ang nurse at asawa ko nakikinig ko posible daw na ma CS ako nagdadasal na ako sabi ko Diyos ko kayo na po bahala sa amin ni baby ko. ayun dinala na ako sa OR inoobserve padin ng Dr. kung kaya ko e normal kasi maliit lang naman daw ang tyan ko nakita sa tracing na nabagal heart beat ni baby ayun sabi CS ka na po Mommy nagmamadali na sila lahat dun sa ospital...... ayun po nagdasal ako na maging maayos kami ni baby salamat po sa Diyos kaya sa buong taon po na ito maraming salamat kasi nakaraos po kami ng maayos ng baby ko ang aking pangako na Mamahalin ko ng sobra sobra ang baby ko ☺️😘😍 kahit wala pa ako masyadong alam sa pag aalaga ng baby sisikapin ko na maging maayos sya palagi at paka mamahalin ko habang buhay😍😘🙏
Magbasa paBilang isang tao, marami tayong mga pinagdadaanan sa buhay. Sa pag lipas ng mga taon, iba't ibang mga karanasan ang ating tinatahak at nagbibigay ito sa atin ng mga aral na tumatatak sa ating isipan. Sabi nga nila, ang buhay natin ay mistulang isang nobela kung saan ay mayroong mga kabanata na taon taon ay nabubuksan. Sa kada taon na ito, tayo ay nagkakaroon ng mga oportunidad na magsimulang muli sa kabila ng ating mga dinanas na hirap. Kung kaya't ang taong ito ay muli nanamang nagbigay sa atin ng dahilan upang bumangon at magpatuloy muli. Sa pagdating ng taon na ito, para sa akin, ito ay isa pa muling pagkakataon na magkaroon ng maginhawa at magandang buhay. Lalo na ngayon na ako ay magiging isang ganap na nanay na, mas marami akong dahilan upang ayusin ang aking sarili at mga gawa. Mas malaki na ang aking inspirasyon para mag sumikap at magpatuloy sa aking mga pangarap, hindi na lamang para sa aking sarili, kundi sa aking pamilya at lalo na sa aking magiging anak. Mas pinatibay ako ng bagong taon na ito dahil sa aking anak na patuloy nagbibigay saakin ng lakas at determinasyon. Kaya #PangakoSaBagongAko , ipagpapatuloy ko ang pag-asa na nasa puso ko sa bawat taon na lilipas at hindi ko ito aalisin kailanman. Sa tulong at awa ng Dios, sa kahit anong pagsubok man ang aking tahakin bilang isang tao, asawa, at lalo na bilang ina, patuloy kong pagbubutihin ang aking pag gawa na parating may kalakip na tulong mula sa Dios sa kabila man ng pagsubok na aking pagdadaanan. Hindi biro ang responsilidad ng isang ina, at sa totoo lang nung una ay nahihirapan pa ako. Pero sa awa at tulong ng Dios, unti unti kong nakikita ang esensya ng pagiging isang ina at napakaganda nito. Namulat ako na hindi na alintana ang aking tatahaking hirap, basta ako ay ginagabayan, siguardong magtatagumpay ako sa hinaharap. Naniniwala ako na ang mga biyaya ay hindi kailanman nauubos, hangga't kabutihan ang tinataglay. Ika nga nila, "as long as you are doing your best, there is always room for improvement." Kung kaya't hangga't ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya, patuloy na may lugar sa ating pag unlad. Sa aking mga katulad na magiging isang ina, at lahat ng mga ina, ating parating isipin na may Dios tayong mahihingan ng tulong sa kahit anumang suliranin na ating pag dadaanan. Basta't may tiyaga at pag susumikap, patuloy tayo Niyang bibiyayaan sa kada araw at taon na lilipas. Special thanks also to these communities, AsianParent, BabymamaPH, and other affiliates for always giving us guide and advices. I am a first time mom and this app truly helps me little by little. This is my go-to whenever I have questions which really assists on my situation. With here, I also realized that I am not alone and I should be grateful for everything I have because there are more people suffering than I am. MALIGAYANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT! 😊♥️ PARATI NATING TANDAAN: PANIBAGONG TAON, PANIBAGONG PAGKAKATAON. #PangakoSaBagongAko #BabymamaPH
Magbasa pa#PangakoSaBagongAko #Babymamaph May magandang natutuhan ako mula sa pagtuturo at pinangako kong dadalhin ko't pangangatawanan iyon para kay baby. I have this class na medyo problematic ang behavior at class performance. Di ko talaga alam paano ia-address mga behavior issues nila lalo na't baguhang teacher lang rin ako. Nataon, may discussion kami about verbal abuse. Ang expectation ko noong una, mga pambu-bully mula sa mga kaklase o kaibigan ang maririnig ko sa mga bata. Pero, mali ako. "Pagkakamali ka lang," "Sana di na lang kita binuhay," "Ang tanga-tanga mo!" "Ang bobo mo!" "Buti pa yong pinsan mo matalino at masipag" "Anak ka lang sa labas!" Lahat ng yan, mga guardians/magulang nila ang nagsabi ng masasakit na salita na iyon. Na hindi ko lubos ine-expect na maririnig ko iyon sa kanila lalo na't nasa private school ako. Nag-iyakan kaming lahat sa klase lalo na ng nakuwento ng isa kong student na "Pagkakamali lang po ako sabi ni mommy," at doon talaga nadurog ang puso ko. Naalala ko mama ko dahil sa sinabi niya. Di ready ang mama ko noong dumating ako sa buhay niya. Mga pangarap, alam niyang di maaabot dahil nakatali siya sa obligasyon sa sakin. At nang mga sandaling iyon, di alam ni mama na pinagsabay siya ng papa ko sa nakarelasyon niyang official gf noong araw. Kaya nang malaman ni mama lahat ng totoo, sobra siyang devastated. Pero never niya ako sinabihan ng ganitong mga salita. Never niya sinumbat sa akin na pagkakamali ako. Kasi tinuring ako ni mama na regalo may kapal. Biyaya turing sa akin ni mama. Wala akong magawa noong araw na yon kundi ang magsalita sa klase ko bilang pangalawa nilang ina. Sabi ko sa kanila, never kayo naging pagkakamali! Never! Never! Kung para sa kanila may mali kayo at di kayo tanggap sa kung ano kayo. May mga tao, kabilang ako, na ang turing sa inyo ay blessings! Andyan para mahalin at suportahan kayo. At mula noon, naging close kami ng section na iyon na noong una ay nahirapan ako i-handle dahil sa problematic na behavior nila at ang gaganda na ng performance nila sa klase. Maybe, nakita nila ang love at support sa klase ko. Dito ko na-realized nang husto na hindi sapat na bigyan ang mga bata ng physical and security needs nila. Hindi sapat magarang bahay at magandang edukasyon. Pinakakailanganin nila ay yong love, trust at support from their parents mismo. Ayaw ko matulad ang anak ko sa kanila na parang sinisisi ang sarili sa lahat ng bagay. Ayaw ko maramdaman niya na walang nagmamahal sa kaniya kasi bunga lang siya ng libog. Ayaw ko. Kaya pangako ko sa sarili ko, ipaparamdam ko sa kanya kung gaano namin kamahal si baby through words and actions. Ipaparamdam namin ang pagmamahal sa kanya sa alam naming paraan. Araw-araw ko pipiliin sj baby, yan lagi kong dadalhin sa puso't isip ko na lalo na't mag-iiba na ang mundo ko. Di na ako basta babae lang, isa na akong ina. Kaya ayan ang pangako ko sa bagong ako para sa paparating na anghel ng buhay ko.
Magbasa pa#pangakosaBagongAko #Babymamaph Magandang araw po sa inyong lahat, ako po ay buntis sa pangatlo ko po (23 weeks) due date ko po May 12. Itong pinagbubuntis ko po ngayon sana palarin na mabuhay kase ito po yung magiging unang anak ko po na nabuhay. Tama po kayo sa nabasa niyo sa aking post.. Yung una ko po kase going 7 months na po siya sa tyan ko noon pero dahil sa stress ko sa pambabae ng asawa ko, pressure sa Tatay ko at Gusto na makapag ipon para sa pinagbubuntis ko. Wala na po kase ako Nanay namatay na kaya wala ako masandalan sa mga problema ko. Nag try ako ipaglaban ang karapatan ng aking anak sa mga tao na nag da down sa amin. Kaso ayun po dinugo ko ako sa trabaho tapos na Cs ako. Habang tinitipa ko ang naranasan ko noon naiiyak na lang ako kase kahit anong Gawin at paglaban ko para sa una kong anghel wala ako magawa. Hindi ko na po nakita anak ko pag gising ko iyon pala pumirma na tatay ko at asawa ko na pumayag sila na tanggalan ng oxygen ang anak ko kase sabi ng doctor 1% na lang chance niya para mabuhay. Halos mabaliw ako noong panahon na iyon.b Kahit na di pa masyado magaling ang tahi ko noon nagpabuntis ako ulit. Noong panahon na iyon walang trabaho asawa ko tapos may di pagkakaunawaan yung tatay ko at asawa ko. Wala ako gamot, kulang check up dahil Doon dinugo ako sa Cr namin noong 3 months na tyan ko. Niraspa ako. halos mawalan ako ng pag asa. Nag alaga na lang po ako ng aso at pusa para matugunan ang pangungulila ko sa mga anak ko. Fast forward 2021, nagtrabaho na ulit ako kaso yung asawa ko natuto siyang mag sugal halos lahat ng sahod niya ipang Taya niya. Lahat halos ng sahod ko pinanggagastos namin sa araw araw. Wala natitira sa akin. Alam ko sasabihin niyo na bakit di ko pa siya hiniwalayan ang masasagot ko lang sa inyo.. siya kase yung unang boyfriend ko, kahit anong flaws niya mahal ko siya umaasa ako na magbabago siya. Ngayon nabuntis ulit ako sa pangatlong beses. Nag stop na ako mag work muna para mag bed rest tapos yung asawa ko nagtrabaho sa Batangas. Naninirahan kami sa Nanay niya. Tubig, kuryente at minsan pagkain namin biyenan ko nag babayad. Alam ko nakakahiya pero pagkatapos kase ng malaman ng pamilya ko na nabuntis ako parang nawalan sila interes sa akin kase pinaglaban ko pa rin ang pagmamahal ko sa asawa ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos kase kahit na yung iba iniwan ako may mga tao pa rin na nag aalaga sa akin. Maraming marami salamat po sa kanila. Para makalibre ako ng check up at gamot lumalapit ako sa hospital at barangay. Salamat rin po sa kanila. Pinagdadasal ko po sa Diyos na sana lagi healthy ang anak ko sa tyan ko at paglabas niya. Siya na lang po pag asa para magkakulay ang buhay ko at magkaroon ng direksyon pa ang buhay ko. Maraming marami salamat po ulit.
Magbasa pa
#PangakoSaBagongAko #Babymamaph Pangako sa bagong taon-Bagong ako na sa aking pagsalubong sa 2023 kasabay ng pag salubong ko sa bagong yugto ng aking buhay bilang isang nanay na magiging bukas ang aking tenga at kaisipan sa mga bagay na dapat pang matutunan. Sa pag iwan ko sa buhay dalaga ay iniiwan ko na din ang nakasanayang pag papalipas gutom at iba pang pag papabaya sa saril (at baka maloka ako kakalipas gutom😁kidding aside). Mahaba-habang journey ang lalakbayin ko sa pag pasok ng 2023 kasama ang pag tanggap ko sa responsibilidad ng pagiging ina. Alam kong malaki ang sakripisyo ng isang nanay simula sa pag pupuyat makabigay lang ng sapat na tulog hanggang sa pag una ng mga kailangan ng aking mumunting kaligayahan ngunit gusto kong simulan ang 2023 nang may balanse kaya pangako ko saaking sarili na aasekasuhin ko hindi lang ang aking anak kundi ang aking kalusugan, katawan at aking isipan upang maging mas positibo ang journey ko bilang nanay❤. Ang aking paglalakbay ay halos hindi pa nag uumpisa, hindi ko pa alam kung marunong ba ako mag palit ng diapers, mag paligo ng bata o kahit mag padede pero kada sipa nya saaking tyan mas pursigido akong matutunan ang mga iyon kaya sa lahat ng bumobuo ng The Assian parents, Baby mama PH at sa lahat ng myembro maraming salamat dahil sa inyo ang unang pagharap ko sa bagong ako ay hindi naging mahirap dahil ang community na ito ay nakatulong ng malaki. Ang mga advices at articles at lahat ng nakapaloob sa app na ito ay nag pawala ng takot sa aking unang pagsabak sa motherhood. Maraming maraming salamat po at more power❤. #PangakoSaBagongAko #Babymamaph
Magbasa pa#PangakoSaBagongAko #Babymamaph Ako po ay isang ina ng apat n babae at isang 3 taong gulang n baby boy at expecting to be a mother for our 6th child this February, At the age of 17 nang maging unang ina po ako, mahirap pero kahit minsan di ko po iyon pinagsisihan.... ginawa ko po ang lahat pra magampanan ang pagiging isang mabuting ina pra sa unang anak namin, at s di inaasahang pagkakataon, bago pa man mag 1 year old ang aming panganay ay nalaman naming buntis ako ulit...inisip po naming blessings ang muling pagkakaroon ng baby agad, hanggang panibagong surprise ang dumating, kambl po ang isinilang ko.. magkahalong emosyon ang aming naramdaman, masaya, kinakabahan, at natatakot dahil sobrang hirap ng buhay.. pero pinangako naming mag asawa n gagawin ang lahat pra sa aming 3 anak.. nagsumukap kming magasawa, habang nagtratrabaho cya ay nagtitinda naman ako smin. pagkalipas ng 7 taon ay dumating ulit ang aming isa pang anak n babae.. at pagkalipas ng 14 years ay muling nagbigay ng biyaya ang Diyos dahil nabigyan kmi ng ank n lalaki.. tuwng tuwa kmi dhil ang tagal naming inantay ang baby boy, at ito nga po muli after 2 years ay expecting to be a mother po ulit ako. this 2023, pangako ko s aking sarili na mas lalo ko pang pagbubutihan ang pagiging ina ko s aking mga anak.. hindi hindi ko papabayaan ang kahit sino s knila.. at mas lalo naming pagsusumikapan na maibigay ang nararapat n kalinga pra sa knila.. pagsusumikapan pa naming lalo n maprovide ang lahat ng mga needs nila s abot ng aming makakaya... Mas aalagaan ko pa ang aking kalusugan pra maging mahaba pa ang aking buhay pra makasama cla ng matagal.
Magbasa pa#Pangakosabagongako #BabymamaPh Una sa lahat nagpapasalamat ako sa theAsianparentPh dahil marami akong natutunan dito at matutunan palang since it's my first time mom 😊 duedate ko po ngayong June or July na kabuwanan. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigyan nya ako ng blessing dahil dito natigul lahat ng bisyo ko katulad ng pag iinom ng alak at paninigarilyo habit ko na po since dalaga pa po ako ang maninigarilyo parehas kami ngayon ng partner ko na may bisyo since yan habit namin dalawa hanggang sa nag live in kami ng partner ko at nakapagtayo kami ng sarili naaming bahay napag isipan ko na tama na siguro ang pag lalakwatsa, barkada at bisyo time naman siguro para maka bukod ng bagong pamilya since live in na kami para naman may kabuluhan ang pagsasama nmin ng partner ko sa iisang bobong, tinry namin ng partner ko hanggang nag iisang taon kami nag sama hindi pa kami binigyan pray lg talaga ako kay God ng pray hanggang sa binigyan na niya talaga kami ng isang blessing 😊 sobrang saya po namin ng partner ko dahil dito sa blessing na binigay samin ng panginoon natigil ko talaga ang bisyo ko, nag start na ako nah prenatal two months pa yong tummy ko at nag hahanap dito sa theasianparent ng mga advice/guide para sa mga first time mom 😊 kahit di napo ako manalo dito atleast man lang po na ishare ko po yung blessing na natanggap ko ♥️ Thank you po Lord God, at sa theAsianparentPh sana po Babymama marami pa kayong matulongan na mga mommies dito lang po ako hehe 😇
Magbasa paAng aking #PangakoSaBagongAko ay mas pahahalagahan ko ang aking nararamdaman at ang aking sarili ngayong bagong taon. Mas magiging open ako sa mga feelings at emotions ko sa aking asawa, at ngayon na malapit na kami magkaanak, mas papahalagan at mas rerespetuhin ko ang aking magulang. Mas bibigyan ko ng oras ang aking pamilya at hindi lamang puro trabaho sa bawat linggo na nadaan. Ngayon na malapit ng dumating ang aming pinakahihintay sa supling ay mas magiging focus ako at maingat sa bawat desisyon na aking gagawin. Pangako ko na kasabay ng pagpapahalaga ko sa aking sarili eh mas bibigyan ko ng pagpapahalaga at pagmamahal ang aking asawa at magiging anak. Bago ako magasawa eh breadwinner ako ng aking pamilya at ngayon, nahihirapan ako maging isang anak, asawa at soon to be mom all at once, pero ngayon na magkakaanak na ko, pinapangako ko na magiging priority ko ang aking asawa at anak, pero kahit ganun hindi ibig sbhn nun na, nabawasan ang aking pagpapahalaga sa aking magulang at pagmamahal sknila, kundi ay mas lalo pang titibay. Ang pangakong eto ay hindi lang para ngayong bagong taon kundi sa mga susunod pang taon. This is a promise to acknowledge and give time to myself, a promise to prioritize, acknowledge and spend time with my husband and son, and a promise to be forever grateful to my parents who first taught me what unconditional love is. #PangakoSaBagongAko #Babymamaph ❤❤❤👨👩👦
Magbasa paAng #PangakoSaBagongAko this 2023 are: 1. I will stop comparing myself to other moms. I realized that everyone has their own strengths and weaknesses as a mother. And what works for one might not work at all for the next so we can’t possibly win by comparing ourselves to another mom. 2. I will make time for my own self care. As a mom I spend so much time focusing on my child especially now that I am pregnant with baby #2, that I often neglect myself. Then when I have time for myself, I felt guilty. But it's wrong, I realized that taking care of my needs is vital so that I can be a better mom. A well rested mom is a happy mom. And a happy mom is a great mom. 3. Stop with the mom guilt. All this worry is not good for me at all. I know all moms do the best we can and the negative thoughts will just bring us down. I will give up the mom guilt and focus on what is here and now. 4. Let others help me. This time I will accept a helping hand especially now that a new bundle of joy will arrive. I will someone help me, and that doesn't mean I'' doing a terrible job as a mom. 5. A date with the whole family. Just a simple date as long as everyone is together. 6. Lastly, A husband and wife only date once in awhile. Every couple needs this. Just a simple date to spend time with my partner, unwind and relax. We all deserved this. 💕🤰🏻 #PangakoSaBagongAko #BabyMamaPH
Magbasa paAng #PangakoSaBagongAko this 2023 are: 1. I will stop comparing myself to other moms. I realized that everyone has their own strengths and weaknesses as a mother. And what works for one might not work at all for the next so we can’t possibly win by comparing ourselves to another mom. 2. I will make time for my own self care. As a mom I spend so much time focusing on my child especially now that I am pregnant with baby #2, that I often neglect myself. Then when I have time for myself, I felt guilty. But it's wrong, I realized that taking care of my needs is vital so that I can be a better mom. A well rested mom is a happy mom. And a happy mom is a great mom. 3. Stop with the mom guilt. All this worry is not good for me at all. I know all moms do the best we can and the negative thoughts will just bring us down. I will give up the mom guilt and focus on what is here and now. 4. Let others help me. This time I will accept a helping hand especially now that a new bundle of joy will arrive. I will someone help me, and that doesn't mean I'' doing a terrible job as a mom. 5. A date with the whole family. Just a simple date as long as everyone is together. 6. Lastly, A husband and wife only date once in awhile. Every couple needs this. Just a simple date to spend time with my partner, unwind and relax. We all deserved this. #PangakoSaBagongAko #BabyMamaPH
Magbasa pa