🎉Ano ang pangako mo sa bagong ikaw? Sagutin at manalo!
Ngayong bagong taon, ano ang gusto mong ipangako sa iyong sarili para sa mas manibago ang iyong 2023? Click here to see mechanics: https://tap.red/q60u8


#PangakoSaBagongAko #Babymamaph Pangako sa bagong taon-Bagong ako na sa aking pagsalubong sa 2023 kasabay ng pag salubong ko sa bagong yugto ng aking buhay bilang isang nanay na magiging bukas ang aking tenga at kaisipan sa mga bagay na dapat pang matutunan. Sa pag iwan ko sa buhay dalaga ay iniiwan ko na din ang nakasanayang pag papalipas gutom at iba pang pag papabaya sa saril (at baka maloka ako kakalipas gutom😁kidding aside). Mahaba-habang journey ang lalakbayin ko sa pag pasok ng 2023 kasama ang pag tanggap ko sa responsibilidad ng pagiging ina. Alam kong malaki ang sakripisyo ng isang nanay simula sa pag pupuyat makabigay lang ng sapat na tulog hanggang sa pag una ng mga kailangan ng aking mumunting kaligayahan ngunit gusto kong simulan ang 2023 nang may balanse kaya pangako ko saaking sarili na aasekasuhin ko hindi lang ang aking anak kundi ang aking kalusugan, katawan at aking isipan upang maging mas positibo ang journey ko bilang nanay❤. Ang aking paglalakbay ay halos hindi pa nag uumpisa, hindi ko pa alam kung marunong ba ako mag palit ng diapers, mag paligo ng bata o kahit mag padede pero kada sipa nya saaking tyan mas pursigido akong matutunan ang mga iyon kaya sa lahat ng bumobuo ng The Assian parents, Baby mama PH at sa lahat ng myembro maraming salamat dahil sa inyo ang unang pagharap ko sa bagong ako ay hindi naging mahirap dahil ang community na ito ay nakatulong ng malaki. Ang mga advices at articles at lahat ng nakapaloob sa app na ito ay nag pawala ng takot sa aking unang pagsabak sa motherhood. Maraming maraming salamat po at more power❤. #PangakoSaBagongAko #Babymamaph
Magbasa pa