🎉Ano ang pangako mo sa bagong ikaw? Sagutin at manalo!

Ngayong bagong taon, ano ang gusto mong ipangako sa iyong sarili para sa mas manibago ang iyong 2023? Click here to see mechanics: https://tap.red/q60u8

🎉Ano ang pangako mo sa bagong ikaw? Sagutin at manalo!
218 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bilang isang tao, marami tayong mga pinagdadaanan sa buhay. Sa pag lipas ng mga taon, iba't ibang mga karanasan ang ating tinatahak at nagbibigay ito sa atin ng mga aral na tumatatak sa ating isipan. Sabi nga nila, ang buhay natin ay mistulang isang nobela kung saan ay mayroong mga kabanata na taon taon ay nabubuksan. Sa kada taon na ito, tayo ay nagkakaroon ng mga oportunidad na magsimulang muli sa kabila ng ating mga dinanas na hirap. Kung kaya't ang taong ito ay muli nanamang nagbigay sa atin ng dahilan upang bumangon at magpatuloy muli. Sa pagdating ng taon na ito, para sa akin, ito ay isa pa muling pagkakataon na magkaroon ng maginhawa at magandang buhay. Lalo na ngayon na ako ay magiging isang ganap na nanay na, mas marami akong dahilan upang ayusin ang aking sarili at mga gawa. Mas malaki na ang aking inspirasyon para mag sumikap at magpatuloy sa aking mga pangarap, hindi na lamang para sa aking sarili, kundi sa aking pamilya at lalo na sa aking magiging anak. Mas pinatibay ako ng bagong taon na ito dahil sa aking anak na patuloy nagbibigay saakin ng lakas at determinasyon. Kaya #PangakoSaBagongAko , ipagpapatuloy ko ang pag-asa na nasa puso ko sa bawat taon na lilipas at hindi ko ito aalisin kailanman. Sa tulong at awa ng Dios, sa kahit anong pagsubok man ang aking tahakin bilang isang tao, asawa, at lalo na bilang ina, patuloy kong pagbubutihin ang aking pag gawa na parating may kalakip na tulong mula sa Dios sa kabila man ng pagsubok na aking pagdadaanan. Hindi biro ang responsilidad ng isang ina, at sa totoo lang nung una ay nahihirapan pa ako. Pero sa awa at tulong ng Dios, unti unti kong nakikita ang esensya ng pagiging isang ina at napakaganda nito. Namulat ako na hindi na alintana ang aking tatahaking hirap, basta ako ay ginagabayan, siguardong magtatagumpay ako sa hinaharap. Naniniwala ako na ang mga biyaya ay hindi kailanman nauubos, hangga't kabutihan ang tinataglay. Ika nga nila, "as long as you are doing your best, there is always room for improvement." Kung kaya't hangga't ginagawa natin ang lahat ng ating makakaya, patuloy na may lugar sa ating pag unlad. Sa aking mga katulad na magiging isang ina, at lahat ng mga ina, ating parating isipin na may Dios tayong mahihingan ng tulong sa kahit anumang suliranin na ating pag dadaanan. Basta't may tiyaga at pag susumikap, patuloy tayo Niyang bibiyayaan sa kada araw at taon na lilipas. Special thanks also to these communities, AsianParent, BabymamaPH, and other affiliates for always giving us guide and advices. I am a first time mom and this app truly helps me little by little. This is my go-to whenever I have questions which really assists on my situation. With here, I also realized that I am not alone and I should be grateful for everything I have because there are more people suffering than I am. MALIGAYANG BAGONG TAON SA ATING LAHAT! 😊♥️ PARATI NATING TANDAAN: PANIBAGONG TAON, PANIBAGONG PAGKAKATAON. #PangakoSaBagongAko #BabymamaPH

Magbasa pa