EXERCISE TO INDUCE LABOR
Pang ilang weeks po owede mag exercise to induce labor? 34 weeks and 5 days pa lang ako pero lagi na ako pinapagalitan dahil hindi daw ako naglalakad lakad. Nag eexercise naman ako at walking every morning for 15 mins kaso ang bilis manigas ng tyan ko kaya pinapahinga ko agad. Naglalaba din ako at hugas pinggan umaga hanggang gabi. Napapadalas tuloy paninigas ng tiyan ko. Masyado na ako pinapatagtag ng nanay ko eh 4 weeks pa bago ako mag full term. Baka mapa anak ako ng maaga at kulang sa weeks si baby. Paano po kaya yun? Bawal bang umupo at mahiga sa gantong week? As per OB din matured na placenta ko kaya natatakot ako mapa anak ng maaga, pinapatagtag na kasi ako ng nanay ko. Eh hindi pa naman talaga dapat. Paano kaya to mga mommies?