4784 responses

"ATTY., PWEDE PO BA HINDI KO GAMITIN ANG SURNAME NG HUSBAND KO AT GAMITIN MAIDEN NAME KO SA PASSPORT?" ANG BABAENG KASAL AY MAY KARAPATAN NA MAMILI NG KANYANG GAGAMITING APELYIDO PERO HINDI NIYA NA ITO PWEDENG BAGUHIN KUNG ITO AY GINAMIT NA NIYA SA KANYANG PASSPORT, SSS, GSIS AT IBA PANG GOVERNMENT DOCUMENTS O PUBLIC RECORDS. May nagtatanong sa E-Lawyers Online kung may karapatan ba na mamili ang isang babaeng kasal sa gagamitin niya na surname sa passport o sa kanyang pubiic records. Ganito ang tanong ng isang reader ng E-Lawyers Online: "Atty., bagong kasal lamang po kami ng asawa ko at magrenew ako ng passport. Lahat po ng employment records ko ay nasa maiden name ko, pwede ko ba hindi gamitin ang surname ng husband ko para hindi makagulo sa employment records ko? O pwede ko gamitin if nagkaroon ng conflict ay ibalik ko na lang? Thanks sa advice atty." Nasa Article 370 ng New Civil Code na ang isang married woman may use: (1) Her maiden first name and surname and add her husbandâs surname, or (2) Her maiden first name and her husbandâs surname, or (3) Her husbandâs full name, but prefixing a word indicating that she is his wife, such as âMrs.â Malinaw sa batas na binibigyan ang babaeng kasal ng option at hindi siya required na gamitin ang surname ng kanyang husband sa government records niya. As long as dinidisclose niya na ang civil status niya ay married, pwede niya gamitin ang maiden name niya sa passport at iba pang government records. Paano kung hindi nagdisclose ang isang babaeng kasal ng kanyang tunay na civil status bilang married sa paggamit ng kanyang maiden name? Ang hindi tunay na pagdisclose ng isang babaeng kasal ng kanyang tunay na civil status bilang married sa paggamit ng kanyang maiden name sa isang private o public document ay isang uri ng falsification under Par. 4 Article 171 in relation to Article 172 ng Revised Penal Code na may parusang na may parusang prision correccional (6 months - 6 years imprisonment) in its medium and maximum periods and a fine of not more than P5,000. Nasa Article 371 naman ay nagsasabi na in case of annulment of marriage, kung ang babae ay ang guilty party, tinatakda ng batas na bumalik siya sa kanyang maiden name and surname pero kung innocent party siya, ang babae ay pinapamili ng batas na bumalik sa kanyang maiden name and surname o patuloy na gumamit ng kanyang ex-husband's surname, unless ito ay sinabi ng korte na hindi pwede o siya o ang lalaki ay nagpakasal muli sa ibang tao. Iba ang rule sa legal separation dahil ang wife ay tinatakda ng batas to use her name and surname na ginamit before the legal separation. Subalit kung nakapamili na ang isang babaeng kasal ng gagamitin niya na apelyido at ginamit na niya ito sa passport niya, BIR, SSS o GSIS ay hindi na niya ito pwedeng baguhin kaagad ayon sa isang Supreme Court decision (Remo vs. Secretary of Foreign Affairs, G.R. 169202, March 5, 2010.) na nagsasabi na ang kung ang isang Filipina na kasal ay gumamit na sa kanyang husbandâs surname sa kanyang passport, hindi na siya pwedeng bumalik ng paggamit sa surname niya sa pagkadalaga o bumalik sa paggamit ng maiden name niya except in cases kung saan maipakikita niya ang (1) death of the husband, (2) divorce (3) annulment, or (4) declaration of nullity of marriage. Kung ang kasal ng isang Filipina ay hindi pa annuled or declared invalid ng korte, hindi niya magagamit ang kanyang maiden name o apelyido sa pagkadalaga sa replacement/renewal passport niya. Source: Google
Magbasa paYes pero naalala ko nung time na kukuha ako ng id's di ko napaghandaan nakalimutan ko na kasal na pala ako need ng signature dahil biglaan at need di ako nakag isip ng signature ko na bago kaya ang chaka tuloyđ
Actually wala naman law nagstastate na kailangan magpalit ng apelyido ang babae.. Naging tradition na lang kasi natin mga Pilipino ang pag adopt ng last name ng mga husband natinđ
Wala naman sa batas na kailangan magpalit ng surname ng babae and nasabi ko narin sa partner ko na kung ikakasal kami, I will keep my maiden name. đ Okay lang naman sakanya.heheh
meron na batas na pwedeng hindi magpalit ng surname ang babae kapag nagpakasal. gusto ko sana hindi magpalit ng surname pero in respect sa husband ko nag-change ako ng surname.
depende naman ata yun kasi madami akong kilala na nagpa'Change status pero hndi dinala ang surname ng husbanda nila kasi mas kilala ang surname nila kesa sa husband nila.
no sana kasi mapabanko at id nakaname s pagkadalaga kaya lang reqd naman n pagkasal kaylangan palitan na. may bayad sa sss pag papalitan ng id tapoa kylan pa makukuha
no sana .ginamit ko Kasi sa maternity ko Kaya Inupdate ko Yung sss ko.ayoko sanang baguhin Ang tagal makakuha ng bagong Id may bayad pa.
ako yes pero nasa iba pa din yan na choice nila na i-retain yung surname ng pagkadalaga then may dash lang ng husband's surname. =)
Depende sa needs. Ako mga almost 1 year ako nag change status wla ksi time magprocess busy sa work at sa baby that time.




Dreaming of becoming a parent