ULTRASOUND
Palabas ng sama ng loob mga mamsh. :( Im 6months pregnant ftm. Nag away kami ng lip ko about sa pagpapaultrasound. Kasi mas gusto ko na magCAS or ipa4d yung ultz samantalang siya gusto niya yung mumurahin lang. May ipon na po kami for baby pero parang ayaw niya ipagalaw sakin. Gusto ko lang naman malaman kung maayos yung anak ko sa sinapupunan ko kaya gusto ng ganung ultz pero bakit hirap na hirap siyang umoo. Sinasabi niya na pangsosyalin lang daw yung ganung ultz. Ang gusto ko lang naman mga sis maging special yung anak ko. Sa buong buhay ko minsan lang tong ganto. Gusto ko maayos lahat dun lang ako makakapante. Pero halos maiyak nalang ako dahil nagkasagutan pa kami ng lip ko dahil sa ganun. Nag ipon kami for baby. Usapan namin for baby talaga lahat yun pero hirap na hirap siya ipagalaw. Hindi naman ibang bagay ilalaan lang yung gastos. Para sa anak naman namin. Iniisip niya iisipin ng magulang niya na papagalitan siya kasi di kami praktikal. Eh pinag ipunan nga yun para dun. Ewan dumidipende siya lagi sa sasabihin ng iba. Mukhang maaga ako manganganak dahil sa stress. ???
Sabihin m sa kanya, pag na premature labor ka at 6mos, mas malaki gastusin nyo sa nicu, milyones! kaya wag ka nya dapat istess hehe. Seriously, OK naman intention mo so dapat indi ipagkait sayu un. Lalo if high risk pregnancy (hopefully ur not). Sakin ni require tlaga ni ob ung CAS kasi high risk na due to my age, 41 nko nun. Sinigurado lng na maayos si baby and mpaghandaan if not. Ung 4d gusto ko din sana kasi first time mom ako and antagal namin inantay to. But nung nakita ko face ni baby sa CAS, eh parang ganun na din naman ung sa 4d. Tas sa CAS, mas detailed pa about baby's health. Nakiusap nlng ako ke ob na pa print na din nung face ni baby kasi di sya kasama sa standard printouts na ibibigay. So di nko nagpa 4d, ung face printouts lng nmn kc gusto ko sa 4d. Ung results ng CAS, sobrang nka relieve samin early on kasi panatag kme na kahit high risk, wala ni isang complication. Priceless ung payapa kme nkaoagpatuloy sa pregnancy. Meron naman mejo mura na CAS, as low as Php1600 as per other comments! I got mine at Php3555, so keri na ung Php1600, sulit na un.
Magbasa paYung partner ko gusto niya magpa4d ultz, ako yung may ayaw. tapos ininquire namin sa ob ko kung magkano gagastusin namin if ever 4d yung ultz tsaka yung CAS, si ob na nagsabi samin na di naman necessary gawin, she even used the term "kapricho lang" yung mga ganyang type of test and ultrasound. Nung huling ultrasound ko, inabot kami ng almost an hour kasi inisa isa talaga ni ob yung parts ni baby kung may makikita ba siyang defect, thankfully okay naman si baby. Magtiwala sa ob at kay God. ☺️☺️☺️ Kahit pa inilaan niyo para kay baby yung money, better if uunahin pa rin kung alin ang "necessary". Hindi naman siguro pinagdadamutan ng partner mo yung baby niyo pero mas naglulook forward siya sa mas kailangang pagkagastusan ni baby like hospital expenses kapag nanganak ka na, gamit ni baby, and the likes. 😉😉😉
Magbasa paGanon din yung hubby ko gus2ng gus2 ko magpa 4D ultrasound para malaman ko kung okay ba ung development niya oh okay lang ba siya sa loob ng tummy ko ... Piro ang lagi niyang sinasagot sakin "Bakit may ginagawa kabang ka anohan na gus2 mo talagang mag pa 4D ... Kaya nakakainissss advance mag isip nabwebweset ako ..pag sinasagot niya akong ganon para bang walang tiwala e tayong mga ina nakaka stress mag isip ..di maiiwasan talaga jehhee ... Piro nasanay na ako hindi naman po siya pabaya sa akin lahat ng gus2 ko binibigay niya ito lang talaga ung ayaw niya kasi mahal daw at need daw nmin ng malaking ipon kasi di daw namin alam kung anong darating na bukas ..hehehe kaya naiintindihan ko c hubby piro minsan nakakainis hahaha
Magbasa paIkaw ang ina, dapat ikaw masusunod! Ganyan ako sa husband ko. 😅 Siyempre ikaw ang may dala dala kay baby eh. Saka yung pera dapat lagi ang babae ang may hawak! In my opinion. 😂 Yan kasi tinuro saakin ng lola ko. 😂 Anyway, I agree with most mommies here. Yung CAS momsh importante yun pero yung 4D hindi naman necessity yun. 😊 May mga nabasa akong comment dito sabi nila at ng OB (daw) na walang point magpa CAS kasi ‘di din naman ma pprevent yung abnormality kung sakali man meron pero hindi dapat ganun ang mindset. Mas mabuti na malaman kaagad para mas mapaghandaan niyo ng partner mo yung situation ni baby. Things will get better mommy! Cheer up. 🙂
Magbasa paAng CAS po momsh ginagawa lang o nirerecommend ni ob pag my nangyaring sapotting o medications like na confine ka tas nkainom ka ng kung ano anong gamot, tas yung nadulas ka tas ok nmn.. Yung mga cases na gnun ang need na ipa CAS po talaga, bka nmn po praktikal lang c hubby, yung sakin kc sis need nmin kc na confine ako nun d ko pa alam na buntis ako, at kasama ako sa mga practice kc kasali ako sa tournament nmin sa company, kaya palakasan talaga tas ayun nung 6 months ako pina CAS ako ni ob, 4d din po yun, mahal po kc sya kaya save po kung d nmn po kailangan, sayang din nmn po yung 6k pan dagdag na rin po pag labas ni baby
Magbasa paCAS is needed especially kung delikado pagbubuntis mo..irerequest naman ng ob un if kailangan tlga..minsan kasi kahit sabhin mong nakalaan tlga ipon nio sa baby..di mo maiwasan ibang gastos lalo kung may biglang emergency sa pagbubuntis mo..tulad ng kapatid ko may ipon sila mg asawa pero dahil bigla nanganak un sis inlaw ko dhil nagka pre eclampsia sia un ipon nila naging kulang pa..nagiging praktikal lang tlga un asawa mo..ok lang mgpa CAS pero huwag na 4D..may package naman un CAS ala man sa 2k CAS with 3d na
Magbasa paAko mommy hindi nag pa CAS or 4d ultrasound. Wala naman kasi request yong OB ko. Ultrasound lng talaga na ordinary amd for gender yong ginawa sakin nung 5th amd 6th months ko. Gusto ko din mag pa ganon pero too late na kasi 39 weeks na ako ngayon. Pero okay lng yon mommy. We have to trust our OB na normal yong nakita nila sa ultrasound whetger expensive pa yan or ordinary lng. Actually ngayon lng naman nauso yan sa panahon ng mom ko dati walang ganyan pero okay naman. Yong iba unnecessary expense lng talaga.
Magbasa paGusto ko din ung CAS pero sabi ng ob ko pag isipan ko daw mabuti kasi mejo mahal nga.. tapos bgla nya tnanong, kung sakaling makita na ang baby e may abnormality halimbawa incomplete ang fingers o may down syndrome, may magagawa pa ba tayo? Sabi nya Ung mga ganyan hndi na yan preventable dahil nagkulang nga sa development. Tapos napaisip ako 😅 siguro nagiging praktikal lang lip mo mas mabuti isama mo sya sa ob mo at dun nyo pag usapan kung gagawin nyo o hndi 😊
Magbasa paAko ayaw ko mag pa cas. Kc iniisip KO ang mahal kc nagalit c hubby sakin isang arw ako di kinakausap , nag aalala kc cya sakin at sa baby namin lalo na first baby nmin at nkunan ako sa una kaya cguro ganun nlng pag alala nia , wla nko magawa dahil di nia KO kinakausap kinabukasan ng pa cas kami ayun OK nmn c baby, kailangan KO lng talaga magpahinga , naghinayang tuloy ako sa 4k pandagdag nadin kc un sa ipon nmin.
Magbasa pasame tayo. first time mom din at gsto ko lge ako kampante na ok si bby. hehe. ayaw din pa CAS ni hubby ko kse bkod sa medyo pricey.. nttkot naman sya baka may mali kse kay baby tas magworry lng kme. buti ok naman si baby😊😊 iba pa din ung peace of mind. lalo na ako may history ng miscarriage. kung inilaan naman yung budget, why not. para kay baby din naman.at syempre, trust kay God.😇
Magbasa pa