PAADVICE PO

Goodmorning po! Palabas ng sama ng loob mga mamsh. :( Im 6months pregnant ftm. Nag away kami ng lip ko about sa pagpapaultrasound. Kasi mas gusto ko na magCAS or ipa4d yung ultz samantalang siya gusto niya yung mumurahin lang. May ipon na po kami for baby pero parang ayaw niya ipagalaw sakin. Gusto ko lang naman malaman kung maayos yung anak ko sa sinapupunan ko kaya gusto ng ganung ultz pero bakit hirap na hirap siyang umoo. Sinasabi niya na pangsosyalin lang daw yung ganung ultz. Ang gusto ko lang naman mga sis maging special yung anak ko. Sa buong buhay ko minsan lang tong ganto. Gusto ko maayos lahat dun lang ako makakapante. Pero halos maiyak nalang ako dahil nagkasagutan pa kami ng lip ko dahil sa ganun. Nag ipon kami for baby. Usapan namin for baby talaga lahat yun pero hirap na hirap siya ipagalaw. Hindi naman ibang bagay ilalaan lang yung gastos. Para sa anak naman namin. Iniisip niya iisipin ng magulang niya na papagalitan siya kasi di kami praktikal. Eh pinag ipunan nga yun para dun. Ewan dumidipende siya lagi sa sasabihin ng iba. Mukhang maaga ako manganganak dahil sa stress. ???

75 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy baka kasi iniisip nya din baka mashort kayo kapag kung sakali ma emergency cs ka tapos kulang na yung pera. Baka yun lang iniisip ng hubby mo . Ask din kayo sa ob about cas kasi minsan di naman required yun tho mahalaga sya para makita kung may problema sya sa mga parts nya . Sakin kasi nirequired lang ako mag cas kasi nadulas ako ng bongga tapos di ko na pina4d or 3d ganun din naman . Cas na 4d kasi 3500 tapos may regular lang na tig 1200 to 1600 depende sa ospital o clinic na mag cas sayo . Alam ko gusto mo syang makita na maayos . You need to be practical all out kasi manganganak kana :) wag kana mag pastress nastress din si baby . Usap nalang kayo ni hubby paliwanag mo bat ganun gusto mo . Buti nlang yung lip ko kahit nagalaw nya pati allowance nya for work go lang nagagalit pa pag di ko napapagawa agad πŸ˜‚ btw stay safe and sana di kana mastress

Magbasa pa

Maramdamin tlg ang buntis lalo n pg feeling dindeprive s mga bagay bagay. Ganto nlng pra mapanatag k, ask ur sonologist/ob mu if kailangn mu yn. Gnun kc ginawa q dhl gustu q nga ma check ng mas detailed ang mga bagay bagay about kay baby. Sabi ng sonologist ko sila dw magre refer nyn if may nakita sila n kahina hinala other than that no need dw po. Pro cguro it still depends s ospital but still try mu mommy. Alm dn kc nila yn dhl sila ang madalas k makakakita kay baby through ultra sound. Ako dti every check up ultra sound e. Isipin mu nlng dn bka gustu dn ni lip mu n gamitin s ibang bagay p ang pera like we'll never know if normal or cs tau db? Or ibang baby needs dun k bawi and super healthy food for you and baby while nsa womb sya. Kain k ng super healthy it will make you feel like a good mom doing good for your baby's development. Good luck mommy!

Magbasa pa
5y ago

Agree. over deprived pa talaga, guilty ako sa kaka-order online, kahit alam ko na walang kwenta pero di ko talaga mapigilan. Haha. Anyways, binigyan din ako ng ob ko noon ng referral for CAS to know if may abnormalities si baby pero ang sabi nya OPTIONAL naman yun, sa pagkakatanda ko nasa 1500 yata yun sa ini-refer nya sakin, while me that time mas pinili nalang na wag ako magpa-cas kasi namamahalan ako at ayoko ma-stress kapag may nakitang mali sa anak ko, tapos pinilit ko lang asawa ko na wag na ako magpa-cas (puro kasi ako antibiotics for UTI nun, twice ako nagka-UTI, nagspotting din ako. Kaya siguro binigyan ako ni ob ng referral). Thank God at si ob dahil healthy si baby. ☺️

Ask your OB momsh kung required ba nya na magpa CAS po kayo, kasi kung hindi naman, lets be practical na lang din po.. we can never tell kung normal natin malalabas si baby, mamaya eh ma emergency CS ka, mas malaki magagastos sa hospital.. mas okay po na ready tayo sa mga gastos sa future kesa naman gagastos tayo ng hindi naman kelangan na kelangan.. On my experience naman po, nagpa CAS ako kasi risky pregnancy ko for i have type 2 diabetes and highblood po, so nirequire ng OB ko tlaga.. pero ung CAS ko ung ordinary lang, 1200 lang binayad ko.. dati balak ko din ung CAS na 4D which cost 3500..pero naisip ko mas madami pa kami gagastusin sa future ng partner ko para kay LO, so naging praktikal na lang din kami.. kesa ung gastos now, utang later..mas mahirap ung ganun.. Wag na po kayo mstress maxado momsh.. keep smiling para kay LO..❀

Magbasa pa

Aysos,ka koripot namn ng hubby mo,parang iwan,oo andun n tau,maging praktikal,ndi naman yan habang buhay n gagawin nyo,bihira lang namn mangyari yan,pasalamat tlga ako ndi ganyan hubby ko..basta may pera lang oo ng oo lang sya,,kc pareho kaming flwa exited n makikita c baby namin eh at kong anu na kalagayan nya,,pero ung sau,parang tinitipid kpa,may ipon namn na pla kau eh,,kami nga wla pang ipon nagagawa namn namin kong anu dapat n gawin alang alang sa baby namin,kausapin mo sis,pero kong ayaw prin makinig ng maayos n pakiusap syempre ikaw n bhala,may karapatan ka ring magdesisyon.kahit ako gusto ko rin ng ganyan 4d ultrasound kaso wala kaming nahagilap n ganyan dto sa area namin eh,,at wagka mag papa stress sis,kaya mo yan,easy lang yan, wagmo masyadong i stress sarili mo jan,

Magbasa pa

Kaya rin namen that thing pero I chose na dna ipa CAS and 4D. Knowing na ok naman sia sa mga normal ultrasound nia palagay na kame mas sinasamahan lang talaga namen ng dasal. Yes, every parents is entitled na maging special talaga mga anak nila sino ba naman hindi dba. Pero kung ico consider mo point ng lip mo mas marami pa naman talaga dapat pagka gastusab in near future lalo pag may mga parating na babies na ganyan, pero nasainyo parin naman yan. Pero kung mgpapaka practical ka mas ok. Aslong naalagaan mo naman baby mo since the beginning sa tiyan mo wala ka dapat ipag alala. And for info hindi rin maganda sa utak nang bata yung radar non but siempre nasayo parin naman yan kung ano talaga gusto mo.

Magbasa pa
VIP Member

Mas maganda ang CAS to make sure na ayos si baby, yes kahit wag na 4D sis kasi mahal . Nag ipon kayong dalawa para sa baby kaya dapat gastusan niyo si baby niyo lalo na at importante naman ang CAS sa mga baby . My ipon din kami ng hubby ko, hindi kami gumagastos sa ibang bagay, pero pag gamit ni baby like mga damit mga ibang gamit niya ,pati sa mga ganyang ultrasound walang angal si hubby kasi pera naman daw ng anak namin yung ipon naming dalawa so dapat lang sa kanya magastos yun . We even tried 4D kahit mahal kaso si baby ang my ayaw πŸ˜… hindi siya humarap nung nagpa4D kami dalawang beses pa kaming bumalik sa hospital pero wala talaga .. πŸ˜… magpaCAS ka sis ipaintindi mo sa asawa mo na importante yun .

Magbasa pa

CAS ang importante. Tinitignan kasi dun kung complete fingers, nails, heart, brain, stomach... Basta lahat. Very assuring ang CAS so kung may ipupush ka sa partner mo, etong CAS ang ipagawa mo. At makikita mo na din itsura ni baby, though hindi ka nga lang bibigyan ng printout. Maski wag ka na magpa 4D kasi ang mahal sobra. Makikita mo nga yung face ni baby tapos makikita mo din yung laman loob mong lumulutang lutang duon. Haha. Gusto nga ng mga in-laws ko na magpa 4D kasi unang apo nila itong dinadala ko, pero kung hindi sila magbibigay ng pera eh wag nalang. In just a few weeks, makikita ko na naman ang baby ko. Tiis tiis nlang.

Magbasa pa

nirequired din ng OB q ang CAS.. dun kc makikita lahat ng details kung ok c baby from head to toe,ung pwesto ng placenta m at ung gender na rin ng baby. actually gsto q din magpa 3d, bkit? kc natutuwa aq dun sa nga result na kitang kita ung mukha ng mga baby at hindi nirerequired ng mga OB-SONO na magpa 3d or 4d pag 6mos plang at kung hindi nmn kinakailangan. usually gnagawa daw un pag 7-8mos. optional ang pagpapa 3d/4d. sa CAS nmn during d procedure sinasabi nmn ni OB-SONO lahat ng nakikita nya sa utz m. wag kna magtampo kay hubby if hindi xa pumayag, sa CAS m pa lang pag narinig mong ok lahat ng details ni baby m mapapanatag kna. 😊

Magbasa pa

Andun ako sa side ni hubby 😊. Dati ganyan ako, gusto ko lagi especial. Lahat naman siguro ng mommy ganun gusto sa mga anak. After na magawa mo lahat yung gusto mo or sinunod mo lahat, parang after niyan meron kang guilt na sana di mo na lang ginawa kasi nakakapanghinayang yung pera. Mas maganda ilaan na lang sa iba. Kung di naman ganun kaimportante. Mas maganda parin yung feeling pag nakita mo personally yung anak mo. Kesa yung 3D or 4D na yan. Tama yung ibang comment pang FB lang yan. 😊 I suggest mas maganda pa po yung newborn photography. Dun niyo na lang ilaan, instead of 3D or 4D na yan. 😊

Magbasa pa

Wag kang ma stress dahil lang dyan sa totoo lang mababaw lang yan para pag stressan. Tama naman kasi 6 months pa lang din naman baby mo tapos 4d na gusto mo. Isipin mo namang maging praktikal din. Ang CAS ay importante kht ndi 4D ang mahalaga e makta position din ng baby mo dahil papatapos na ang 2nd trimester mo. Hindi na ako magtataka dahil dyan sa kababawan mo. Ipaintndi mo din kasi sknya na kailangan ang ultrasound lalo kung request yan ng OB mo. Wag kang mag mukmok at paka stress mag pa 4D kung may pera ka ng sayo or kung 8 or 9 months na para talagang ma scan at ndi masayang yan pag papaultrasound mo.

Magbasa pa