Sama ng Loob sa byenan..

Palabas ng sama ng loob mamsh. Last November nag away kame ng byenan ko kasw hinihiram niya payroll atm ng asawa ko at isasanla niya ng 10k .5k ang utang niya at akala namin ibibigay saamin yung 5k na sosobra yun pala hindi. Tapos gusto niya mangyari yung sasahurin ng asawa ko na nandun sa atm ibabayad lahat dun sa nautang niya. Kaya that point hindi na ako pumayag lalo nat walang matitira samin mag asawa at nag gagatas at diaper pa ang baby ko at kame nadaw bahala humanap ng mauutangan para pang gastos namin. Andaming Sinabing masasakit na salita ng byenan ko kesyo sobrang masama ang ugali ko, madamot ako at maldita daw ako. Bagong panganak ako nun hindi ako nakapag timpi at nasagot ko ang byenan ang sabi ko "Imbis na tulungan niyo po makabangon yung anak niyo kayo pa nagiging dahilan ng pagka lubog namin sa utang. Lahat ng pabor simula nung buntis palang ako na sayo na papapacheck up ko nalang at ultrasound ibibigay pa sa inyo yung naipon namin na 20k pampanganak ko inutang po ninyo hanggang ngayon hindi niyo pa nababalik at magulang kona nag bayad ng bills namin sa hospital tapos ako pa ho itong masama ang ugali at maramot?" Masama ba akong asawa ng anak niya? iniisip ko lang naman yung gastusin namin sa araw araw. Gipit din ang magulang ko pero nagawan nila ng paraan para mabayaran yung bills ko lalo nat CS ako at na confined pa ang baby ki ng 1week. Masama bakong tao? Hanggang ngayon hindi ako kinakausap ng byenan ko at palaging sa asawa ko nanghihingi ng pera. may trabaho naman siya pero sadyang maluho ang byenan ko order ng order ng mga burloloy at sa labas sila kumakain ng anak niya na kapatid ng asawa ko at pag wala na silang pera sa asawa ko nanghihingi ng pang gastos. Sinasabihan niya pa ang asawa ko na "BAKA NAKAKALIMUTAN MO YUNG MGA RESPONSIBILIDAD MO SAMIN NG KAPATID MO" .. Palabas lang ng sama ng loob mga mamsh..

5 Replies

same tayo ng in laws haha Mula first child ko, yung nakuha kong mat benefit ko sa SSS inutang nya (60%) until now di pa bayad, tapos hiniram din nya budget namin sa pagbili ng gamit at budget sa hospital ng 2nd baby ko. Halos 4days nalang ako before manganak siningil ko sya, pinalabas pa akong masama haha tapos etong tatanga tangang asawa ko di na nadadala sa mama nyang palautang na di naman marunong magbayad sige parin pahiram ng pera sa mama nya tapos kami magsuffer financially. Kaya nagdemand na ako na pag walang extra sa pera namin di kami magpapahiram since nakabukod na kami at wala silang ambag sa pamilya namin haha

tip: gawin nyo mga mhie ay sabihan nyo mga asawa nyo na pag once mangutang yung kamag anak nya dapat ipagpaalam muna sayo or ikaw dapat magdedecide, since tayo naman may alam kung magkano need natin sa pang araw araw (role natin yun) bahala nang magmukhang masama sa kanila atleast may courtesy dapat 😤 at dapat marunong tayo magsabi ng NO

grabe Naman...mayroon Pala talagang ganyan biyanan o magulang alam ng pamilyadong tao na Ang anak ay iaasa pdin sa anak Ang kanilang gastusin...Hindi Naman masamang magbigay sa magulang pero Hindi Naman dapat ganyang paraan...sana Po malampasan nyo Ang pagsubok na yan...sana ay mabuksan din ang isip ng biyanan mo na pamilyadong tao n Ang anak niya...may mga priorities nadin sa Buhay...ung ibang biyanan nga gusto pa nila ay nakakapag bigay sa mga apo nila o s mga anak nilang may bagong panganak e... sana din Ang Asawa mo ay magkaroon ndin ng paninindigan Kasi tatay na siya Ngayon...

VIP Member

Hi. Hindi ka masamang asawa, nasa tama ka naman. Kung hindi ka kausapin ni MIL, wag mo bastusin pero hayaan mo lang, ang importante okay kayo ng asawa mo. Ang responsibility lang ng asawa mo sa ina at kapatid niya ay basic needs lang. Pero kung pareho naman nang adult bakit kailangan pang iasa sa may pamilya ang lahat ng gastusin nila. Nakikipag kompitensya kasi yang MIL mo sainyong mag-ina. Sana hindi kayo nasa iisang bahay.

Meron pa sakin nun, nag public hospital kami para makatipid sa panganganak ko tapos yung mother nung partner ko ilan beses ako na emergency nun dahil sa highblood bigla magchachat sasabihin papakamatay daw siya pag hindi binigyan ng pera 🤣partida may ibang family na yun at inabandona nya yung partner ko hahaha buti nalang isang anak lang ako at mismong hubby ko hindi na nagbibigay dahil alam niya masama ugali nila..

Medyo relate po ako sa part na, imbis tayo Ang tulungan ng biyenan natin parang tayo pa may utang na loob. Na para bang wala na tayong karapatang tumanggi kapag naghingi o nangailangan sila. 🥺 Hindi po tayo masamang manugang. May kanya-kanya na tayong PAMILYA at gastusin sa bahay. Yung maliit na halaga ok yun kahit ibigay nalang, pero Yung ganyang kalaking halaga mali na yun. Ikaw Ang Asawa kaya Ikaw may karapatan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles