Sama ng Loob sa byenan..
Palabas ng sama ng loob mamsh. Last November nag away kame ng byenan ko kasw hinihiram niya payroll atm ng asawa ko at isasanla niya ng 10k .5k ang utang niya at akala namin ibibigay saamin yung 5k na sosobra yun pala hindi. Tapos gusto niya mangyari yung sasahurin ng asawa ko na nandun sa atm ibabayad lahat dun sa nautang niya. Kaya that point hindi na ako pumayag lalo nat walang matitira samin mag asawa at nag gagatas at diaper pa ang baby ko at kame nadaw bahala humanap ng mauutangan para pang gastos namin. Andaming Sinabing masasakit na salita ng byenan ko kesyo sobrang masama ang ugali ko, madamot ako at maldita daw ako. Bagong panganak ako nun hindi ako nakapag timpi at nasagot ko ang byenan ang sabi ko "Imbis na tulungan niyo po makabangon yung anak niyo kayo pa nagiging dahilan ng pagka lubog namin sa utang. Lahat ng pabor simula nung buntis palang ako na sayo na papapacheck up ko nalang at ultrasound ibibigay pa sa inyo yung naipon namin na 20k pampanganak ko inutang po ninyo hanggang ngayon hindi niyo pa nababalik at magulang kona nag bayad ng bills namin sa hospital tapos ako pa ho itong masama ang ugali at maramot?" Masama ba akong asawa ng anak niya? iniisip ko lang naman yung gastusin namin sa araw araw. Gipit din ang magulang ko pero nagawan nila ng paraan para mabayaran yung bills ko lalo nat CS ako at na confined pa ang baby ki ng 1week. Masama bakong tao? Hanggang ngayon hindi ako kinakausap ng byenan ko at palaging sa asawa ko nanghihingi ng pera. may trabaho naman siya pero sadyang maluho ang byenan ko order ng order ng mga burloloy at sa labas sila kumakain ng anak niya na kapatid ng asawa ko at pag wala na silang pera sa asawa ko nanghihingi ng pang gastos. Sinasabihan niya pa ang asawa ko na "BAKA NAKAKALIMUTAN MO YUNG MGA RESPONSIBILIDAD MO SAMIN NG KAPATID MO" .. Palabas lang ng sama ng loob mga mamsh..