Anxiety attacks
Palabas lang ng sama ng loob mga mi... Currently 22w4d, naramdaman ko naman si baby wala pang 1hr ang nakakaraan. But bigla nalang akong inatake ng anxiety ko.. 2nd baby ko suffered to stillbirth at 35w5d isang araw hindi ko nalang sya naramdaman gumalaw only to find out na wala na syang heartbeat. That was 2 yrs ago... and ngayon, I am blessed to get pregnant again. BUT... hindi po madali lalo na yung trauma.. yung takot araw araw na baka magising ako ulit na wala na sya inside me.. I bought a 2nd hand doppler. Nabili ko sya biglaan due to me being praning. The night before ko ito binili nagpasugod din ako sa lying in just to check the heartbeat kasi feelimg ko hndi ko sya nararamdaman gumalaw after poking and jiggling my tummy.. Nakita naman heartbeat nyo, so I was relieved. Then pag gising ko ng morning na praning nanaman ako, so bigla bigla I bought this 2nd hand doppler.. may video naman si seller na all good. Nung una ko syang mareceive napansin ko na na may mali sa cord pero after trying for a while nag produce naman ng sound and I get to use it.. everytime I had to use this kailangan ko pang timplahin yung pagkakasaksak ng cord pero okay naman kasi nagwowork naman.. What is important to me is to just hear the heartbeat para mawala yung anxiety ko.. Pero tonight almost an hour ko na tinitimpla kasi yung anxiety ko nasa peak nanaman sobrang stressed.. π Ayaw gumana ng doppler huhuhuhu paranoid na ako at sobrang takot.. π