PALABAS NG SAMA NG LOOB ..

Palabas lang mga momsh ng sama ng loob Preggy ako 6 months na at simula nung nagbuntis ako lagi nalang ako sinasabihan ng kapatid ko na pabigat lang daw ako nagpabuntis daw ako oo sabihin na natin na nabuntis ako ng bf ko pero hindi ko inaasa lahat sa magulang ko sinusuportahan ako ng bf ko kahit dto ako nakatira sa bahay sa ngayon wala munang trabaho kaya sila mama muna nagpapakain sakin. kumikilos ako lagi sa bahay parang hinfi pa nga ako buntis kung kumilos sa bahay dahil halos lahat ginagawa ko na para lang matulungan ang mama ko para hindi siya mahirapan . Ang kapal lang ng mukha ng kapatid kong bunso na lalaki na pagsabihan ako ng mga ganun salita at parang tinuturing pakong katulong dto sa bahay ni hindi manlang siya kumikilos maliit na bagay na gagawin iaasa pa niya samin ni mama tulad ng paghuhugas ng pinggan pagsasaing at iba pang gawaing bahay kesyo nagkatrabaho siya nung nakaraan at talagang hinahayaan nila mama na hindi kumilos pero grabe makasagot na parang binili niya na ang mama namin sa mga binibigay niyang pera at hindi pa magulang ang trato niya . Tapos akong ate niya na lahat kinikilos ko at yung gawain ng lalaki sa bahay na siya dapat gumagawa ako pa ang gagawa tamad na tamad siya tapos pinagsabihan lang na maghugas ng pinggan na hindi manlang naawa sa mana namin sinabihan pakong bumukod na daw ako ni hindi ko pinaparamdam kila mama na palamunin ako sa bahay tapos sa kapatid ko pa ako makakarinig ng ganun mama ate at papa ko tinutulungan ako pinapakain ako pero siya hindi pero kung makasalita parang siya ang nagpapakain sakin Nakakainis lang talaga nakakastress gustuhin mong hindi pansinin magpapansin nman ??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Medyo di maganda tabas ng dila ng kapatid mo ah considering na bunso pa sya nyan. Wala siyang galang. Masyadong lumaki ulo nya dahil alam nyang may naitutulong sya sa bahay nyo. Haynako mamsh, try mong kausapin at prangkahin na di maganda yung pag-uugali nya pero sa tingin ko mahirap kausap mga ganyang tao. Masstress ka lang so ignore mo nalang sya hanggat maari. Pagdasal mo nalang din na magkaron na ulit ng kita yung bf mo para may sarili kang panggastos at hindi magsalita ng ganyan kapatid mo sayo. Toxic nya grabe.

Magbasa pa