Hubby Problems

Pahelp naman po if anong dapat kong gawin 13 months old na po baby namin pero si hubby inuuna laging maglaro ng ML tipong 5 or 6 am na siya matutulog kakalaro parehas po kaming college student through online class di siya naattend ng klase kasi umaga na nga siya natutulog while ako if di busy biyanan ko sila magbabantay habang may klase ako pero may times din na kahit may klase ako binabantayan ko din baby ko. Pinagsabihan ko na partner ko na sana matulog ng maaga para if ever may pang umaga akong klase is may bantay kay baby pero wala di niya din ako sinunod ganun pa din gawain niya. Minsan naiyak na lang ako sa gabi sa kakaisip ng dapat gawin kasi need bumangon ng maaga gawa nakikitira pa din kamo sa parents ng partner ko para wala silang masabing masama may time pa na di na talaga ko nakakaattend lalo na if may sakit si lo tas yung partner ko parang walang pakealam. Gustong gusto ko na umuwi samin kaya lang iniisip ko sasabihin ng biyanan ko na after nilang gumastos sa panganganak ko at mga diapers ni baby e biglang uuwi ako samin. Yung Partner ko pagnauwi ako samin nagsasabi na miss niya na kami pero pag nasa kanila kami ni di man lang mabantayan ng isang oras anak namin. Pahelp po sana if anong dapat kong gawin kasi iniisip ko na parang di naman kami importante sa kaniya o sadyang asang asa lang siya sa magulang niya dahil sakanila kami nakatira

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

mg usap kau and gumawa kau ng plan or schedule sa mga dapat gawin. dpat take turns kayo sa gawain, bantay sa bata. let him understand na he can still play but dpat my oras lng and that he needs to straighten out his priorities. baka my chance pang syang mg bago.

Wag mong bawalan maglaro pero pagsabihan mo na dapat limitahan niya paglalaro niya lalo nat may anak kayo tapos nag aaral pa. Titigil yan kapag nagkasakit na walang tulugan eh, ganyan din ako dati pero buti nalang na stop ko din pag ML ko hehe.

4y ago

Kahit nung mga times na may sakit si lo busy pa din siya magML palibhasa kasi PBF si lo kaya parang gusto niya ako laging magasikaso papalusot pa siya minsan na bakot daw siya aasikasuhin e sakin naman daw nadede wala naman daw siyang magagawa kaya di din malapit sakaniya si baby e