676 Replies

VIP Member

Sis, Need mo ng day off sa baby mo kahit 1 day lang kausapin mo ang husband mo about jan para masuportahan ka nya. Alam mo after a day na di mo nakikita or nahahawakan baby mo hahanap hanapin mo sya.. Naiintindihan kita na minsan napapagod tayo sa pagaalaga ng mga baby natin pero TAYONG MGA INA AY HINDI PWEDE SUMUKO. Take a break lang saglit and pray.. Virtual Hugs prayers for you na malampasan mo yang ganyang feeling. 🙏🏻

ako din gusto kona din mag work 3months palang baby ko pero hindi Sa napapagod ako sa pag aalaga ng baby ko kasi kulang kinikita ng lip ko minimum naman pero di padin sapat sa mahal ng bilihin ngayon . napapagod din ako mag alaga sa baby ko pero never kong inisip na sumuko sa pag aalaga , sabi nga ng lip ko di habang buhay bata sila sulitin mo yung mga araw na ikaw pa ang kailangan nya,. Kaya ayon kahit kapos kami ayos lang .

#1sttimemom din ako pero hindi ako nkramdam ng pagod n alagaan ang baby ko kc kahit gustong gusto ko n bumalik s work ko mas pipiliin ko paring alagan or mismo ako mag alaga s anak ko para maasikaso ko sya ng mabuti kasi ano man na hirap at sakripisyo basta mkita mu anak mu habang inaalagaan mo sya npkagaan s pakiramdam bilang isang ina mkita mu lang n nkangiti solid kahit puyat at pagod ka ok lang kasi anak natin yan.

yes.. 😁😁 nkaka pagod mag alaga Ng baby.. palagi puyat. wla pa pera 😂 tulad nga Ng sinasabi sakin lagi Ng husband ko pag sinasabi ko n nkakapagod mag alaga . "at least cute namn(si baby)" tatawanan na Lang kami.. d mo nman maiiwasan d mapagod. Kasi nkakapagod talaga.. Tao lng. pahinga k din paminsan minsan baka burn out and drained k lng din .Kaya Yan momsh Laban lng.hehe

me..aminado ako ,sobrang napapagod nako mag alaga ng baby hindi sa ayaw ko na sa baby ko , yun bang sana naman makita naman nila na napapagod din ako ,kulang ako sa tulog , sakin pa nadede si baby. gawain bahay lahat , gasino na lang sana na mapansin nila na pagod na ko kahit 1 oras na tulog lang sa tanghali okay nako kaso hindi eh nakakasama ng loob pagod na pagod nako gusto ko na sumuko

Naku Mommy. Nakakapagod talaga yan kasi kulang din tayo sa tulog. Isipin mo na lang na dadating ang panahon na mas matagal na ang tulog niya at hindi na siya magpapakarga sa'yo. Namimiss mo siguro ang work pero mamimiss mo din sa baby kapag nagttrabaho ka na at kailangan mo s'ya iwan sa bahay. Ask help din from other people in your home, esp. from hubby. Ipaalam mo na napapagod ka at kailangan mo ng tulong. Go go go!

Im a work at home mom and kung gaano kahirap ang magalaga baby, mas doble kapag pinagsasabay sa trabaho. Pero lilipas din naman yan eh. Mabilis lang ang panahon. Nakakapagod talaga minsan pero kapag nakikita mong nginingitian ka ng baby mo, alis lahat ng pagod. Keep holding on lang mommy, pasasaan ba't makakapagpahinga din tayo few years from now. Sa puyat lang talaga ang nakakapagod.

Minsan ganyan pakiramdam ko sa 3months old baby ko dahil siguro sa sobrang pagkaiyakin nya halos maghapon ako lang gusto nya samahan kapag binigay kona sya sa iba para makakain o makaligo ako iiyak na agad sya halos wala din ako nagiging pahinga kahit sa maghapon at gabi napapagod nako pero kakayanin ko para sa mga anak ko 😊❤️

same here Po pero kakayanin iiyak pero hnd susuko

VIP Member

Hi momah i feel you being a mom of a 2month old may araw tlga napapagod ka ksi karga lagi tapos kahit karga umiiyak palit ng damit, padede, paligo, hugas ng bote mga ganun kaya mas maganda if you feel tired take a 5min. Rest take deep breaths and start again lagi mong iisipin na mahal mo amg anak mo ang umpisa lang ito eventually pag lumaki siya mas maeenjoy mo siya... Konting tiis lang momsh kaya natin toh

nope I didn't feel that way..having a baby is a gift and blessing since I know I am pregnant and carry in my tummy esp.now he is a 7 years old and nag schooling naxa ako nag papaligo,nagpapakaen etc...even I've work many times pag di ko xa naalagaan feeling ko I'm worthless Im not perfect Mom napapagalitan xa sakin lalo na pag malikot or makulet xa but I love him more than I love my self...

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles