Ninang/Ninong

Pag sinabi ninyo bang ninong o ninang sila automatic na yun? Diba bawal tumanggi sa ganon? Pag sa binyag po, ilan pwde ilagay na ninong and ninang? ilalagay ba yun sa papel? Isusulat sa simbahan or yung aattend lang? so pag sabi sabing 'ninong o ninang ka' maaring hindi nila tanggapin kasi wala sila sa listahan? Curious is me. Though matagal pa naman bago lumabas si Lo.

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pag mejo madami kayo kukunin ninong ninang wag niyo po ilista lahat sa fifillupan sa church kasi lahat un babayaran niyo if 20pairs bale 40persons na un. Kasi base sa church samin sa baptismalcert isang pair lang ang nakalagay na ninong ninang bale parang sila ung pinaka puno ng ninong ninang tas ung mga nailista sa fifillupam di nman un nalalagay sa baptismal cert e. 200pesos bayad dun sa pair ng ninong ninang na lilista sa baptismal plus ung 5pairs na nilista ko na ninonng ninang sa likod 20pesos per head bale 200 din. Bali kasi kmi nilista lang nmin sa likod ung sure na aattend ksi ung candles ksi kung ilan nakalista ganun din kandila bibilhin 10pesos each naman. Since di rin ksi lahat nakaattend kya sayang candles. Pero may mga souvenir kahit di umattend na ninong ninang ksi personalized pra maaalala nila ninong/nang sila ni baby. 😊😊😊

Magbasa pa
6y ago

sa kanila rin po bibili ng candles? mandatory?