Ask
Pag nagtetest po ng sugar anong ginagawa po dun? like kukuhanan ba ng dugo? Tsaka magkano kaya po mag pa test ng sugar? Thanks po sa sasagot.
Depende po kung OGCT or OGTT. Yung OGCT 50 g ko, hindi ako pinag-fasting, pero nag-fasting pa rin ako para sure. Isang blood extraction lang ang ginawa. 300-400 ang binayad ko. Mataas yung sugar levels ko, kaya pinaulit ng OB ko. OGTT 75 g naman. 8 hours fasting. Last meal was 9:30 PM. 1st blood extraction at 6 AM. Then pinainom ako ng glucose drink 75 g. After 2 hours, nag extract ulit ng blood. 1,040 yung binayad ko. After lunch ko nakuha yung result. Dun sa 2 hours na waiting time, bawal ka gumalaw-galaw para di ka pagpawisan, tsaka para di maconsume ng katawan mo yung ininom mo para accurate ang makuhang result sayo. EFFECTS SA AKIN NG GLUCOSE DRINK: 1. Nahihilo 2. Nasusuka 3. (Excuse me) Nag-LBM ako
Magbasa padepende po ung price kung saan po kayo magpapakuha ng test. need po un ng pasting then 3x kukunan ng dugo. 1st is pagdating sa test, 2nd is after uminom ng syrup. then lastly ay after an hour. result usually hapon nakukuha
May fasting po yun 6-8hrs. Then may ipapainom sayo. 4times Kukuhanan ng dugo, every 1hr interval ang pagkuha ng dugo. P720 sakin pero depende po siguro sa clinic.
400+ ung nagastos Ko nung nag pakuha ako ng sugar. Tatlong turok ginawa sakin. 8hrs fasting then 3x Kang tuturukan but 1hr namn Ang pagitan
opo ganun Po talaga.
May fasting po un. Ung price po depende po s hosp or kung saan laboratory po kayo magpptest..
Ano po yun makukuha din agad yung result?