pagbubuntis
Pag nagbubuntis po ba lage po bang nasusuka tapos walang ganang kumain kasi ako sa ngayon na 1 month pa yung pagbubuntis ko wala akong ganang kumain tapos parang lage akong nasusuka ..natural Lang po ba ito?
Nturl pba ung mnsn wla kng ganang kumain tps mnsn nanakt ung tyan mo na parang akala mo gutom ka tps biglng ssakit ung balakang mo at feeling m pra kng mssuka..lately po ksi nkkarns po ako pgssuka pero tps bgla nmn po nttigil..anu pba dpt gwn...this is my first time na mbbuntis po ako
Yes po.. ako nga gang 3 months e.. napakaselan ko mag buntis maraming ayaw tsaka pag kumain ako ng kanin sinusuka ko kaagad pero pinipilit kong kumain kahit paunti unti..Buti nman ngsyun nagbabawi nako sa pagkain.. I'm 16 weeks and 6 days๐๐
Yes po, usually sa 1st 3 months ng pagbubuntis nangyayari ito. Kasi naninibago pa yung katawan mo sa pagbubuntis at na may isang human being na lumalaki sa loob ng tiyan mo. Yung ibang buntis nga po, buong pagbubuntis ay nakakaranas nito.
Yes natural yan sa 1st trimester. Pero ako nalaman kong buntis ako 2months na di ako dinatnan nag duda nako tyaka grabe ako kumain. Palaging gutom. Sayo sis maselan pag bubutis mo kasi palagi kang nag susuka tas walang gana kumain
yes normal yan sis, pero pilitin mo paring kumain para kay baby. ganyan na ganyan din ako nung first trimester ko, 5 mos na ako nakabawi ng kain at di nagsusuka. kaya mo yan basta para kay baby ๐๐
Yes. Same po tayo, pero minsan sa isang araw hindi ako nakakaramdam ng pagsusuka. Bumabalik balik lang, usually sa gabi lumalabas. Kinakausap ko si baby na di nya ako pahirapan. ๐๐๐
same hahaha.. kinakausap ko baby ko pag nahihirapan ako ๐ pero in the end magsosorry naman ako kase baka feeling nya pinapagalitan ko sya or sinisisi ๐ basta sabi ko lang behave sya pakabait lang ganon ๐คฃ๐คฃ
same here mommy, walang gana kumain lalo na sa rice at lagi din nagsusuka. pero mahilig ako sa fruits which is good naman. pilitin mo kumain kahit fruits and veggies mommy para kay baby.
Ganyan din po aq, halos hindi talaga aq makakain nung nakaraan and even now hirap pa din aq uminum ng water. Mahirap po talaga sa 1st trimester magtitiis ka talaga and tyaga.
Yes po..Yan ung stage na pinakamahirap pra skn kc struggle tlga from pagsusuka, pagkahilo, walang gna kumain pikunin at ndi tamad na tamad gumalaw kc nanakit Ang boobs..
Natural lng yan sis,may morning sickness talaga pag nagbubuntis..mawawala rin yan..try mo kumain ng oatmeal tsaka prutas para d ka manghina tas inom ka na rin ng gatas
Got a bun in the oven