7 Replies

Nope!di Yun sukatan para sabihing isa kang masama or mabuting ina..Kapapanganak ko lang at plan ko talaga exclusive BF si baby ko pgkapanganak ko..pero wla ako gatas.. super worried ako na magutom si baby ko on her 1st 24hrs..tinry ko sya Ibottle feeding para lang mgkalaman tyan nya..pero hirap sya sumipsip..pag-uwi nmin ng bahay tinry ko pa idropper..thank GOD natutunan nya sipsipin.. 1week ako bago ngkagatas after kumain ng samdamakmak na malunggay kada meal at magtake ng moringga capsule,nung ngkagatas ako hirap din sya mag BF kc konte lang..so nag mix feeding ako for 3-4 days.. now..sa akin na sya dumedede at halos di nya na tigilan.. sobrang sakit talaga!tapos puyat na puyat ako kapapadede..minsan naiisip ko ibottle feeding ko nalang..pero sabi ko sayang yung nutrients at protection na makukuha nya ng libre sa BF.. Kung talagang di kaya..try mix feeding pero hanggat maaari ipursue pa din natin BF kc di lang para Kay baby kundi may benefits din para sa atin.

Hindi naman po. . Never nmn naging sukatan Yun. Mababaw lng nag sasabi Ng ganun. . I know what you mean masakit tlga sa una. Nag aadjust k p rin nmn. Naramdaman ko din nmn Yan.. un nga lng skin mabigat din sa dibdib n parang may nakadagan tpos parang nag sskip Ng beat heart ko Nung mga first 2-3mos ni baby Lalo n pag malakas labas Ng gatas. Eventually nawala nmn ngayon though masakit p rin sa dibdib minsan n parang may nkadagan pa rin pero Hindi n katulad nung una. . It's your choice pa rin nmn Kung mag pupure ka or mix. Research k n lng Ng effect..wla nmn karapatan kahit Sino na pilitin ka. 🙂 It's up to you. Iniinformed ka lng Ng differences, Hindi nga lng lahat Ng nanay maiintindihan ka.. taasan mo n lng Ng kilay😁✌️keme b nila sa gusto mo.

VIP Member

Check nyo din po latching ni baby. Minsan kasi improper latching ang cause ng pain. Pero hindi naman kayo masamang nanay pag nag breastfeed. Ako din nag mix feed pero mas madalas naman sa akin si baby dumedede lalo sa gabi. Up to 3 years and 2 months nag latch pa panganay ko. Para sa akin best of both worlds pag nag mix feed pero syempre sa preference pa din yan ng magulang. Ang importante e hindi nagugutom si baby 😊

sino may sabi masama? papaloin ko...hhahah .....mix feeding din ako nun nag 5months na baby ... Relax lang momsh .... massage nyo breast at baka gatas yan na hindi nailabas kaya masakit , si baby lng mkka tulong nyan lagi nyo ipa latch kasi nkka lagnat po yan pag Hindi nailabas ang milk.... pa dede lng kai baby lagi

VIP Member

Hinde naman masama. Hinde dun nababase yon. Actually kaya masakit yan kc naipon ung gatas, blocked na ang milk ducts mo. ganyan ang nangyari sakin non pero pinilit ko ilabas lahat kahit dugo na lumalabas, Mas maskit kc pag di yan lumabas baka magkamastitis ka pa.

Hindi sukatan ng pagiging nanay ang magpadede o hindi walang ganun mommy at hindi lang naman ikaw ang gumagawa ng mix feeding sa baby minsan pure formula pa.ang importante ginagawa mo lahat para hindi magutom ang baby mo.

tiis lang para ke baby... para hindi sya maging sakitin mas better ang pure breastfeed.. at para na din makatipid ang bulsa 😆

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles