Pag may problem or worries kayo, minsan tinatago nyo na lang ba sa asawa nyo?
Ako, mahilig magtago, sa close friend ko siya inoopen, especially financial. hahaha nasanay kasi akong independent na lahat ng gastos paghihirapan ko. Pero I just realized recently na mas okay kung sinasabi mo yung worry/problem mo sa partner/hubby mo kasi gumagaan yung dinadala mo and kaya sila andiyan for both of you learn, guide and be with each other thru ups and down, iwas depression ka pa and mas healthy yung relationship niyo and yung sarili niyo. haha buti talaga narealized ko yun. Kaya mommy, dont be afraid to tell him your worries and problems.
Magbasa palahat alam nya. parang bestfriend kami. kahit nasa malayo sya o di kami magkasama at may problema ako kahit umiiyak ako sya agad kinakausap ko kasi agree man sya sakin hindi nag oopen ako sa kanya kasi partner kami. pero sya di sya ganun ka open sakin nahihiya siguro pero kita at ramdam ko agad sya pag may something π
Magbasa paHindi ko masabi sa asawa ko na mahirap pag sabayin ang pagtatrabaho at pag-aalaga ng bata. Nakakapagod lalo na kapag feeling mo na hinid naaapreciate ng boss mo yung mga eefort mo at naiisip mo ng mag quit pero hindi mo magawa kase kawawa naman yung pamilya nyo kapag nag resign ka.
Kapag minor lang naman tulad ng mga tampuhan sa mga kapatid atnkaibigan, hindi ko na sinasabi. Pero kapag major ang problema tulad ng pang hihimasok ng mga byenan or pananakit ng kasambahay sa anak ay hindi iyan pinalalampas at dapat ma-aksuyanan kaagad naming mag asawa.
depende po sa situation..meron din kasing mga bagay bagay na d na kailangan malaman ng asawa..pero kailangan pa rin maging open sa asawa para maiwasan ang away..masarap kasi sa filing na honest ka sa asawa mo..magaan sa buhay..
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-25958)
YEs, lalo na kapag sya yung problema or worry!! Ha ha. Observe lang muna, check on things bakit nga ba may ganung prob na nag-eexist. Kapag mukhang di na tama ang mga bagay, confrontation na with him ang next step.
Lahat ng problema whether ako or sya ang may problema ay sabay namin pinaguusapan at hinahanapan ng solution. Para kase mutual yung gagawin naming decision para walang sisihan sa bandang huli.
no,,open kami sa isa't isa..kahit sa maliit na bagay po open kamiπ kasi sabi ko para saan pa't mag asawa tau kung maglilihiman tayu..cya pa una lagi nag oopen up sakin ng mga iniisip nya.
Ako, yes. It depends on the situation din. Madali kasi maginit ulo ng asawa ko so minsan instead na ma solve yung problem, mauuwi sa pagtatalo. So aayusin ko na lang muna magisa.